Title: Sirang Pangarap
✍@atingbitter
Dedicated to: Sherles Villacorta
Libre lang mangarap ayon sa batas
Pangarap na matayog at napakataas
Ngunit bakit napakahirap nitong abutin
Lalo na kong walang kinang ang tinuturing kong bituin
Walang kaagapay,
Walang nagsisilbing gabay,
Walang naka-alalay,
Sa pagpapatuloy ng aking buhay
Nakakalungkot mang isipin
Pero mag-isa kong tatahakin
Ang bawat pagsubok sa akin
Patungo sa aking mga layunin
Mga kaibigan na talikuran kang sinisiraan
Andiyan lang pag may kailangan
Ngunit wala sa oras ng kagipitan
Kaya ako nanghina ng tuluyan
Mga taong lagi na lang nakamata
Sa bawat kilos mo't gawa
Naghihintay sila ng pagkakataon
Para sa kumunoy ika'y maibaon
Simple lang naman ang pangarap ko
Mahalin lang ako ng totoo
Yung tipong ibibigay ko buong tiwala ko
Pati buong oras at pagmamahal ko
Pero bakit hindi niyo maibigay
Kahit itong simpleng bagay
Para mga ngiti ko naman ay sumilay
At magkakulay yaring buhay
Napakababaw lang pangarap ko
Pagmamahal ng totoo tanging hanap ko
Kahit sariling magulang ay ipinagdamot sakin ito
Paano pa matutupad ito?
Sana sa huling araw ko dito sa mundo
Matupad ang nasa puso ko
Na kahit sa huling lamay ko
Ialay niyo sakin ang pinaka mimithi ko.
Tuparin niyo sana ang nasirang pangarap ko.
––
P.S. @atingbitter Yung old account ko na nakalimutan ko password 😂
BINABASA MO ANG
Poem For You
De TodoCompilation of requested poems na nakapost na sa Facebook account ko "Akihara Zhyx Beunaventura". I hope you'll like it too😂
