(33) Tadhana Nga Naman

4 1 0
                                    

Title: Tadhana Nga Naman
@✍atingbitterkyut
Dedicated to: Vhea Blinkiee

Tadhana nga naman 'di ko maintindihan
Pagdating sa pag-iibigan, ako'y naguguluhan
Maraming puso ang pinaglalaruan
Minsan mas'werteng masaya kadalasan ika'y masasaktan

Bakit pa pinagtatagpo, 'di naman magiging kayo
Naging kayo nga, hiniwalay naman sa 'yo
Sa 'yo na nga pinabayaan mo pa at iniwan mo
Oh 'di ba nakakalito, 'di alam kung sa'n pa lulugar sa 'yo

May masayang nagkatuluyan
May naiwanang naging luhaan
Sadyang gan'yan ang pagmamahalan
Minsan 'di tugma sa iyong mararamdaman

Tadhana, para kang mga babae umasta
Nagkamali na ikaw pa rin ang tama
Kahit anong sabihin, batas mo'y aking susundin
Kapalit man nito ay ang damdaming nasasaktan

Minsan kong nasabi–Kung tayo, tayo talaga
Ika nga ni tadhana kaya ayan ngumangawa
'Yon pinakawalan ko at nakahanap ng iba
Isa kasi ako sa tanga na naniniwala pa rin sa kanya

Poem For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon