Title: Paasa o Pag-asa
✍@atingbitterkyut
Dedicated to: Rosyl Jhoy Lorenzo
Pa(g)-asa ba?
Pa(g)-asa ba maituturing ang mga pinapakita mo
Hindi sinasadya na nahuhulog unti-unti ang puso ko
Na sa t'wing nar'yan ka parang nayayanig ang aking mundo
Kakaiba nga talaga kapag sadyang tinamaan ka, nakakatuliro
Pa(g)-asa nga ba?
Palagi kang nasa tabi kahit 'di naman kailangan
Mahirap pigilin ang nararamdaman, ako'y nahihirapan
Bakit ka ba kasi gan'yan? Ano nga ba ang nararamdaman?
Ka-ibigan o isang kaibigan, pakilinaw ako'y naguguluhan
Pa(g)-asa ba talaga?
Malabong usapan, magulong ugnayan
Nais kong maintindihan sapagkat ma'y nararamdaman
Patulong naman-sabihin mo naman para maintindihan
Gusto kong malaman-kabolahan o kabuluhan
Paasa o pag-asa, alin ba talaga?
Mauuwi ba sa tayo?-ikaw at ako ba
Ako ba'y lalayo na-mahal kita o mahal mo'y iba
Mga tanong na naghihintay ng sagot mula sa 'yo
Sagot na maaring ikatuwa o ikangawa ko mismo
Bakit may umaasa-nagbibigay pag-asa
'Di magkaintindihan kung ano, bakit o para saan ba talaga
Hanggang maari linawin ang nadarama
Mahirap kasi na masaktan at magpakatanga
BINABASA MO ANG
Poem For You
عشوائيCompilation of requested poems na nakapost na sa Facebook account ko "Akihara Zhyx Beunaventura". I hope you'll like it too😂
