Title: Ayaw ko pa
✍ @atingbitter
Dedicated to: FallenAngel HeartKung panaginip lang ito, ayaw ko ng magising pa
Kung ilusyon lang ito, ako'y dito mananahan na
Sa lugar kung saan kasama ka
Sa lugar kung saan oras ay 'di natin alintanaAyaw ko pang matapos ang mga sandali
Na tayo'y magkahawak-kamay at nakangiti
Sana dito nalang tayo manatili
Ngunit nagising sa bangungot kaya napangiwiLuha'y di na mapawi
Puso'y nagdadalamhati
Bakit dito pa tayo nauwi,
Sa kasalukuyang nilukob na nang pighatiAyaw ko pa, ayaw ko pa
Ayaw ko pang mawala ka
Ayaw ko pang bumitaw pa
Ayaw ko pang palayain ka
Ayaw ko pa, dahil mahal kitaAyaw ko pa dahil mahal kita
Mahal kita sobra sa higit pa
Hindi ko tanggap na tapos na
Tapos na ang salitang tayo paTayo pa sana ngunit ayaw mo na
Nagkulang ba ako, parang-awa mo na bumalik ka
Mahal kita.. mahal kita..
Uulitin ko pa, baka sakaling marinig mo paSana'y pakinggan ang pagtangis ng puso
Mga pagsusumamo ay sana'y dinggin mo
Munting hiling ng aking puso
Muli'y yakapin at hagkan moAyaw ko pa, pero pinagtabuyan mo na
May mahal na ako, tumigil ka na
Siya ang mundo ko, baliwala ka na
Masakit marinig sa taong mahal mo paAyaw ko pa ngunit may iba ka na
Ipaglalaban pa sana kita kaso talo na
Nasaan pa ba ako sa 'yo sinta
Nasa isang ala-alang tila limot mo naAyaw ko pa, ngunit ayaw mo na
Ayaw ko pa sanang mawala ka,
Ngunit binalewala mo na
Ayaw ko pa, ngunit tugon mo tama na
Masasaktan ka lang, itigil mo na
Masakit nga lalo na 'pag wala ka, tila'y durog naAyaw ko pa sanang sumuko sinta
Ngunit nakita ko na masaya ka na sa kanya
Tutuldukan ko na ang pag-asam na ika'y babalik ka
Isang pag-ibig na natuldukan at naglahong parang bula
Ayaw ko pa sana..
Ngunit tapos na..

BINABASA MO ANG
Poem For You
RastgeleCompilation of requested poems na nakapost na sa Facebook account ko "Akihara Zhyx Beunaventura". I hope you'll like it too😂