(6)Nasirang Kahapon

4 2 0
                                    

Title: Nasirang Kahapon
✍ @atingbitter
Dedicated to : Aleera Amor Quemado

Mga ala-alang nilumot na ng panahon
Pero tila'y bumabalik pa hanggang sa ngayon
Nasirang kahapon dapat ng ibaon
Sa halip kasalukuyan ang pagtuunan ng atensyon

Mga pag-iibigang biglaang natuldukan
Kasabay ng pangakong napunta lang sa basurahan
Nalimot na rin ang masayang  pinagsamahan
Naiwang nakatulala at nabaon sa kasadlakan

Nanaisin mo pa bang balikan ang kahapon
Kung puro pighati ang naidulot nito sa 'yo noon
Nanaisin mo pa bang manatili doon
Kung pati paghihinagpis mo'y di nila pinakinggan noon

Ang kahapon ay paniguradong 'di natin malilimutan
Lalo't sakit at hapdi lang ang dulot sa 'yong kalooban
'Wag ka sanang mabuhay sa nakaraan
Dahil may nakangiti pang sasalubong na kasalukuyan

Mapait man ang dati mong karanasan
Tiyak na ika'y may panibagong matututunan
Ibangon mo ang mundo mong nawalan ng kulay
Sapagkat makulay ang yaring yugto ng ating buhay

Sumabay sa ihip ng hangin
Ang loob mo nito'y papakalmahin
Nasirang kahapon ay 'wag mo nang damhin
Sapagkat isa ito sa tunay na nagpapatatag sa atin

Harapin ang ating kasalukuyan,
Nang may ngiting di mapapantayan
Masalimuot man ang naging nakaraan
Manatiling matatag sa paparating na kasalukuyan.

Poem For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon