(16) Umasa Sa Wala

3 2 0
                                    

Title: Umasa Sa Wala
✍ @atingbitter
Dedicated to: Kai Penuela Tayactac

Paano ba maging tanga?
Simple lang, magmahal ka ng sobra
Ibigay mo ang lahat sa kanya
Hanggang sa 'yo ay walang matira

Ang tulang ito ay para sa mga umasa, umaasa at nawalan ng pag-asa
Umasa sa taong akala mo mahal ka
Umaasa sa taong nagsilbing sandigan ka
Nawalan nalang ng pag-asa dahil siya pa rin pala

Oo kasama mo siya n'ong mga panahong iniwan siya
Naging malapit at palagay na ang loob niyo sa isat-isa
Hanggang sa tuluyang mahulog ka sa kanya
Wala nalang nagawa hanggang sa mapabuntong-hininga

Malalim..
Malalim ang nararamdaman mo para sa kanya
Akala mo simpleng paghanga lang ngunit iba na pala
Huli na nang makaiwas ka dahil ika'y lunod na
Lunod sa pag-ibig na parang di makahinga

Masikip..
Sumisikip ang dibdib mo t'wing nakikita mong umiiyak siya
Umiiyak sa taong walang kwentang nang-iwan sa kanya
Pero alam mo yung masakit, yúng wala ka nang magawa kundi tingnan siya
Samahan sa kawalan niya habang siya nama'y 'di makitang and'yan ka

Bulag..
Bulag siya dahil 'di niya makita ang katotohanang mahal ko siya
Ako nama'y nagbubulag-bulagan dahil alam kong siya pa rin ang mahal niya
Masama ba na umasa na isang araw ako naman ang sasagi sa isip at mapupunta sa puso niya
Hindi naman siguro masama, sobrang sakit lang talaga

Masakit..
Masakit na makita kang masaya
Isang araw biglang ok ka na
Nagpasalamat ka sa aking ginawa
Kaya pala ikaw ay masaya yún pala bumalik siya

Bumalik na siya..
Bumalik na ang babae na minamahal mo
Heto ako magiging hangin na lang sa 'yo
Umiihip ng sobrang lungkot habang siya 'y yakap mo
Magkasama na kayo pero pa'no na ako?

Umasa lang ako sa wala
Sa simula palang ay alam ko na ang resulta
Sumugal pa rin ako kasi akala ko mapapalitan ko siya
Kaso isang lapit lang niya sa 'yo binalikan mo agad siya

T*nga ka..
Sinaktan ka na nga binalikan mo pa
Hindi ka pa nadala núng iniwan ka niya
Pero mas tanga ako..
Alam kong iba talaga mahal mo pero pinilit ko pa
Ipinagsisikan ko ang nadarama kahit alam kong talo na

Masakit umasa sa taong may mahal na
Ito ang sugal na 'di ko na maipapanalo pa
Uuwi nalang mag-isa na balisa
Kasabay ng pagpatak ng ulan ang masaganang luha na 'di mapigilan.

Poem For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon