Everything Changes (Part II)

301 7 0
                                    


Everything Changes
(Part 2)

Hindi alam ng papa ni Mikaela kung ano ang gagawin.

Mag-iiyak ba siya o magsisi o di kaya'y pabayaan nalang ang kanyang anak.

Ngunit dahil na rin sa kalunos-lunos na sinapit ng kanyang anak at dala na rin ng konsensya ay pikit mata niyang dinala ang kanyang anak sa hospital.

Impit siyang umiyak. 

Hindi niya man lang inalala ang kanyang anak. 

Ang kanyang ka-isa isang prinsesa.

Ganito na rin siguro tayong mga tao saka lang alalahanin ang lahat ng mga nangyari at mga maling nagawa natin kapag ang ang isang tao o bagay ay malapit nang mawala. 

O ang tanong malapit nga lang ba? 

Paano kung nawala na? 

Padaosdos siyang umupo sa sahig habang hinihintay ang doctor na umaasikaso sa kanyang anak.

Iyak lang siya ng iyak. 

Hagulhol kung hagulhol.

Panay ang lunok at panginginig.

Pagsisi, pagdudusa, pag-aalala, at galit sa sarili ang kanyang nararamdaman. 

Ngayon lang nag sink in sa kanya ang mga pangyayari at ang mga tanong sa kanya ng kanyang anak kanina. 

Paano niyang natiis ang anak at ginawan ng pambababoy? 

Lubos lang ba talaga siyang nagalit sa ina nito at ito ang nagdusa sa lahat ng kasalan ng ina nito?
Napapikit siya at tila ba gustong lumabas ng kanyang puso mula sa kinanalalagyan nito nang bumukas ang pinto ng Emergency Room.

Pero ang tanong may puso nga ba siya?

Matapos nang mga nagawa niya sa sarili niyang anak.

"Doc?" Tanong niya sa doctor at kita niya ang pagkadismaya sa mga mata ng doctor.

"Ka-ano ano mo ang pasyente?" Tanong sa kanya.

"Anak ko po ang pasyente." Sagot niya.

"Pasensya na po pero hindi na po namin nasalba silang dalawa. Nahirapan po kami lalong lalo na't buntis ang pasyente." 

Ano? B-buntis ang anak ko? Paano nangyari yun?

Lalo siyang napahagulhol sa nalaman.

"Pasensya na po pero hindi na namin na salba ang inyong anak at apo. Maaari niyo po siyang makita mamaya pagkadala nito sa morgue. Sige po Sir" napalunok siya at halos 'di na niya maaninag ang doctor dahil sa mga luha niya.

"Buntis ang anak ko doc?" Tanong niya na tila hindi makapaniwala sa mga salitang binatawan ng doctor.

"Opo sir, tatlong buwan. May gusto po pa ba kayong malaman? " Tanong ng doctor kung kaya't nagkumahog siyang lumuhod at umiling. 

Hindi pwede!

Hindiiiiiiiiiiiii! 

"Doc? Wala na po talagang pag-asa? Doc!?" Panay ang iling niya at hindi matanggap ang kung ano ang nangyari sa anak. . . at sa apo o anak niya.

Pinatayo naman siya ng doctor saba'y sabing "Pasensya na po pero wala na po tayong magagawa. Hindi po ako nakakapag-pabuhay ng patay. Pasensya na po. At kung may tanong pa po ba kayo o kailangan sa akin, nasa opisina lang po ako." 

Sabay alis nito sa pagkakawak sa kanya kung kaya't wala na siyang magawa kundi ang maiyak.

"At saka nga po pala, sabi niya po kunin niyo raw ang sulat na nasa ilalim ng unan niya.

ONE SHOTS 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon