Pagod na Pagod na Ako, Maaari Mo Bang Gawin Ang Gusto Ko?
Pagod na pagod na ako
Sa sakit na palagi nilang ipanararanas sa akin
Sa mga salitang kanilang binabato sa akin
Na parang mga kutsilyong unti-unting bumabaon sa puso kong matagal ng wasak
Pero walang sinuman ang nagtanong o tumulong man lang sa akin
Na buoin itong muli at ayusin upang maibalik sa dati
Pagod na pagod na ako
Kaya maaari mo bang gawin ang gusto ko
May dala ako rito
Pakibaon sa puso kong matagal nang nagdurugo
Isang kutsilyong maaaring makakapagpatanggal ng sakit na matagal ko nang dinadamdam
Kaya kung maaari, ako'y nakikiusap
Gawin mo ang aking hinihiling
Sapagkat pagod na pagod na akong magdusa
Sa kabayaran ng kasalanang ni minsan ma'y hindi ko ginawa.