Mahal Ko Kayo

39 1 0
                                    

Mahal ko kayo, pero mahal niyo ba ako

Sabi niyo po-protektahan niyo ako pero nasaan na ang proteksiyon na sinasabi niyo?

Nasaan na ang pag-alaga at pag-arugang ilang beses niyo nang ipinangako?

Nasaan na ito at bakit hindi ko ramdam?

Ibinigay ko ang lahat-lahat pero ano?

Ano ang nangyari?

Wala.

Ako ang sinisisi kapag may maling nangyayari sa inyong kapaligiran.

Ni hindi niyo man lang nakikita ang inyong ginagawa.

Na kayo pala mismo ang may gawa.

Lahat ng kaganapang nangyayari.

Ito ay dahil sa kayo'y naging pabaya.

Paunti-unti.

Paunti-unti na akong nauupos.

Paunti-unti na akong nawawala.

Nawawalan ng sigla at ganda.

Nawawalan ng buhay.

Kaya kung darating man ang araw na iyon, sana'y ako ay inyong pagpasensyahan.

Sapagkat wala na akong magagawa

Kundi ang tanggapin ito ng lubusan

Na paunti-unti na akong nasisira

Paunti-unti na akong nawawala.

- Inang Kalikasan

ONE SHOTS 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon