Saksi Ang Buwan at Mga Bituin

47 3 0
                                    

Saksi ang Buwan at mga Bituin

Naglalakad kami habang hawak-hawak ang kamay ng isa't isa.

Tila ba dinadama ang lamig ng simoy ng hangin na dumadampi sa aming mga balat.

Parehas lang kaming nananahimik at tila ba paunti-unti nang nalulunod sa pagmumuni-muni.

Hanggang sa tumigil ako sa paglalakad at pinisil nang bahagya ang kanyang mga kamay dahilan kung bakit siya'y napalingon sa akin.

"Do we really need to do this?" Sambit niya na siyang tinanguan ko naman.

"It's better for the two of us." Sagot ko at nakita ko naman siyang bahagyang ngumiti.

Ngumiti na may halong lungkot.

Dahan-dahan naman akong napalunok nang makita kong may umaalpas na mga luha mula sa mga magaganda niyang mga mata.

"It's the better for the two of us? Or is it because this is what they wanted?" Napahinga naman ako ng malalim dahil sa sinabi niya saka paunti-unting lumalapit sa kanya at bahagyang hinaplos ang kanyang mukha at pinahid ang kanyang mga luha.

Mga luhang nagpapatunay na labis na siyang nasasaktan dahil sa desisyon na kailangan naming gawin.

"It's for the better of the two us. That's what they've said, that's why we need to do this." Sagot ko pero umiling lamang ito.

"Aren't happy with me? Don't you love me? Can't you just be with me for the rest of our lives?" Turan niya kaya napapikit ako ng mariin.

"I'm happy with you. Most of my happiest, unforgettable, and memorable memories are when I'm with you. And I know that you know how much I love you. That's why I'm doing this. And unfortunately, we can't be together." Tanging sagot ko na lamang sa mga tanong niya.

Napasinghap naman ako nang bigla mo kong hinila papalapit sa'yo at mahigpit na niyakap.

"Are we really going to end this? Right here, right now? Right where our love had started and bloomed. Right where we fell in love with each other?" Tumango naman ako bago ka niyakap pabalik.

Naririnig ko ang iyong mga munting hikbi at tila ba pinipigilan mo lang ang sariling mapahagulhol.

"I never thought of something like this. I never thought of living my tomorrow without you. But we need to end this." Tumango naman ako at talagang hindi na napigilan ang sariling hindi maiyak.

Nang pumatak ang kauna-unahang luhang nangahas na tumulo ay nagsisunuran naman ang iba, hanggang sa hindi ko na mabilang kung ilan sila.

"I love you, Thomas." Bulong mo habang paunti-unting kumakalas mula sa pagkakayap sa akin.

Tumango naman ako at dahan-dahan na ring bumibitaw. Hinarap naman kita at malungkot na nginitian.

"I love you too, Joshua." Sambit ko saka dahan-dahang inilalapit ang aking mga labi sa iyong noo at dinampian ito ng malamyos na halik.

Ang kahuli-hulihang halik na igagawad ko saiyo.

Saksi ang buwan at mga bituin.

Sa simula ng ating pagmamahalan hanggang sa huli. Kung paano tayo nahulog sa isa't isa at kung paano na'tin pakakawalan ang bawat isa.

Oo, mahal kita. Mahal mo ko.

Pero hindi iyon sapat para sa ibang tao.

Dahil para kanila, mali tayo.

Maling magmahal ng taong kapwa mo lalaki.

Maling magmahal ng taong kaparehas ng iyong kasarian.

At mas lalong-lalo na, mas maling mahalin ang sarili mong kambal.

ONE SHOTS 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon