Lullaby
Hindi mapakali si Angelica habang inililibot niya ang kanyang tingin sa lumang bahay ng kanyang Lola Leticia.
Ayaw niya naman talagang dito mag bakasyon lalo na't summer ngayon pero wala syang magawa.
It's her mother's choice.
"Amelia hali ka na't maghapunan apo. "
Pilit ang ngiti ni Angelica nang tawagin sya ng kanyang Lola gamit ang first name niya.
She really hated her first name.
Nababaduyan talagang siya.
Panay pa ang buntong hininga niya nang makita ang nakahain sa hapag kainan.
Really?
Gulay?
Isda?
Hindi ba uso sa kanila ang steak? O di kaya pasta?
Err!
Napairap nalang sya sabay upo.
Pabayaan nalang, bahala na si Batman.
Hindi naman siya dito titira habang buhay eh.
Tinikman niya ang inihaw na bangus saka ang tuyo.
Not bad. She thought.
"Nagustuhan mo ba, apo?" napatingin sya sa kanyang Lola.
"Yes po, La. I didn't thought na masarap pala ang ganitong pagkain. "
Tumango tango pa sya habang sinasabi ang mga katagang iyon.
"Buti't nagustuhan mo, apo"
Hindi niya na lamang pinansin ang kakaibang tingin na ibinibigay sa kanya ng kanyang Lola.
Napaigtad sya sa gulat nang parang may bumulong sa kanyang tenga at tila ba hinipan ang kanyang batok.
Mas lalo syang nanlamig nang parang may naririnig syang tunog ng piano at parang pamilyar ang itinutugtog nito.
Nakita niya pa kung paano napapikit ang kanyang Lola na para bang ninanamnam ang kanta.
"Moon River, paboritong kanta ni Isko."
Humugot ng malalim na hininga so Angelica.
Isko, pangalan ng kanyang yumaong lolo.
"Alam mo bang 'yan ang kinakanta namin noong sanggol ka pa lamang para lang makatulog ka apo? "
Hilaw na napangiti si Angelica sa sinabi ng kanyang Lola.
"Oo po Lola"
Pilit nilalabanan ang takot, nagtataka sa kung sino ang tumutugtog.
Alam na alam niyang sila lang ng kanyang lola ang nandito sa bahay kaya papaanong tumutunog ang piano na sya lang mag isa.
At ang mas ikinakatakot niya pa ay kung bakit hindi nababahala ang kanyang Lola.
"Ah pasok na po muna ako sa kwarto ko La. "
Sambit niya na hindi man lang tumitingin sa matanda.
"Sige apo, alam kong pagod ka sa biyahe."
Halos patakbo syang pumunta sa kwarto dahil ayaw niyang tingnan ang piano na syang pamana pa sa kanila ng kanyang mga ninuno.
Hingal na napasandal sya sa pintuan ng kanyang kwarto tila hindi makapaniwala sa mga nangyayari.
"Ano ba tung napasok ko! " sabay sapok sa ulo.
- - - -
Anong oras na pero hindi sya makatulog.
Napatingin sya sa wall clock at mag aala-una na ng madaling araw.
Napaigtad sya nang parang may Narinig syang kalabog sa baba.
Takot man ay tinungo niya ang parte ng bahay sa kung saan nanggagaling ang kakaibang tunog.
Nanlalaki ang mata niya nang makita ang sarili niya sa salamin katapat ng piano.
Puno ng dugo at putlang putla.
Mas lalo syang nagulantang nang makita ang kanyang Lola at Lolo na napangiti sa kanya.
Ngunit iba ang mga ngiti nito.
Ngiting nakakapangilabot.
"Hindi ka ba makatulog apo? "
Sobrang lamig ng boses ng kanyang Lolo Isko habang sinasabi iyon sa Kanya.
Tatakbo na sana sya nang may humawak sa kamay niya, ANG LOLA NIYA!
"Noooooo! BITAWAN NIYO KO! " sigaw niya.
"Diba't hindi ka makatulog apo?"
Halos hindi sya makahinga ng maayos nang humalakhak ang kanyang Lola.
"Mahal, tugtugin mo naman ang paboritong kanta ng ating apo. "
"Sige, Mahal. "
Aalisin niya na sana ang pagkahawak sa kanya ng kanyang Lola nang pigilan sya nito.
Biglang ngumisi at sinimulang kantahin ang "Moon River" habang pilit syang pinapatulog.
Moon river, wider than a mile
I'm crossing you in style some day
Ayaw niya mang pumikit pero parang nadadala sya ng kanta.
Oh, dream maker, you heart breaker
Wherever you're going, I'm going your wayRamdam niya pa ang haplos ng kanyang Lola sa mukha nya.
Two drifters, off to see the world
There's such a lot of world to seeHindi na rin niya alintana ang nanunuyong dugo sa kamay ng kanyang Lola.
We're after the same
rainbow's end,
waiting, round the bendAt nang maramdaman niyang para na syang malagutan ng hininga ay dali dali syang bumangon
ngunit laking gulat niya ng makita ang sariling sinasaksak at pinapalo ng kanyang Lola.My Huckleberry Friend, Moon River, and me
Habang ito'y tumatawa na parang demonyo.
Moon river, wider than a mile
I'm crossing you in style some daySisigaw na sana sya para humingi nang tulong nang napatingin ito sa kanya at may sinabi
"Sweet Dreams Amelia Angelica"Oh, dream maker, you heart breaker
Wherever you're going, I'm going your wayRinig na rinig ang halakhak nito.
Two drifters, off to see the world
There's such a lot of world to seeNi hindi alintana ang malamig na hangin at nakakapangilabot na tensyong pumapalibot sa bahay.
We're after that same rainbow's end,
waiting, round the bend
My Huckleberry Friend- - - -
"Angelicaaaaaaaaaaaaaaaa"
Sigaw ng isang ginang nang makita ang anak na nakahiga sa hospital bed na malapit ng malagutan ng hininga.
Humagulhol ito at sinisisi ang sarili dahil sa pagkamatay ng kanyang ka-isa isang anak.
Sana hindi na lang nito pinilit na mag bakasyon sa Lola nito.
Sana'y buhay pa sana ito.
Moon River and me..