Napasimangot naman ako habang nakatingin sa harap.
Ang tagal dumating ni Sir Kyle.
Math Instructor namin.
Agad namang lumiwanag ang mukha ko nang pumasok na siya sa classroom namin.
"Good Afternoon Everyone!"
Masiglang bati nito sa amin.
"Good Afternoon Sir!"
Masiglang bati namin pabalik sa kanya.
"Ang gwapo natin Sir ah."
"Oo nga, ang bango pa."
"Eeiihh si Sir may nililigawan!"
Sigawan ng mga classmate ko kaya napatitig rin naman ako kay Sir Kyle at pansin ko ngang may iba sa kanya.
Iyong parang gumo-glow siya.
Ay shete! Palagi naman talaga siyang gumo-glow sa paningin ko.
"Buenavista!"
"Ay crush kita!"
Napasigaw naman ako nang marinig kong may sumigaw ng apelyido ko.
Nanlaki naman ang mata ko nang ma-realize kong nag-aattendace pala si Sir.
"Ang ibig kong sabihin, present Sir."
Sabi ko nalang saka yumuko.
Narinig ko namang tumawa si Sir.
"It's fine Karelle. Normal lang na kahit class hours ay ang crush niyo pa rin ang iniisip niyo. Haha."
Tumatawang sabi nito kaya mas lalo akong nahawa.
Namula pa ng kaunti ang pisngi ko dahil tinawag niya akong Karelle.
Ayoko sa first name ko pero kapag siya na ang nagsasabi ba't parang nagiging musika ito sa pandinig ko?
Cheesy right?
"Oo nga Sir, lalo na pag iyong crush mo ang nagtuturo."
"Eiihh, crush ni Karelle si Sir Kyle."
Namula pa lalo ang pisngi ko dahil sa panunukso ng kaklase ko.
Narinig ko namang napatawa pa ito lalo kaya medyo nakahinga ako ng maluwag, mukhang hindi naman yata ito naaapektuhan sa panunukso ng mga kaklase ko.
"Stop it already guys. H'wag niyo ng mas tuksuhin si Karelle, nahihiya na siya oh."
Napapikit naman ako ng mariin dahil sa sinabi nito.
Kalma lang self.
Just breathe in, breath out.
Shete!
Ano bang ginagawa ni Sir sa akin?
Huhuhu.
"Oh siya sige na. I want all of you to listen to me since hindi masyadong madali ang lesson natin ngayon."
Sabi nito kaya napalunok nalang ako saka huminga ng malalim saka tumingin sa may white board.
Makalipas ang halos isang oras na lecture ay nag-ring na ang bell na ang ibig sabihin ay tapos na ang time ni Sir.
Pero akala namin aalis na ito pero nanatili ito sa classroom namin at parang may i-aanounce.
"So may i-aanounce ako everyone! I just want to announce to all of you that I'm just going to be your Math Teacher until the of this month. I hope you understand it everyone. Goodbye class!"
Napanganga naman ako sa sinabi niya.
Marami ang nagulat at hindi matanggap ang balita.
At kasali na siya dun.
Ano raw?
Ikakasal na ang ultimate crush niya?
Nooooooooo!
* - *
Bagsak ang balikat na umuwi si Karelle.
Hindi niya matanggap na hindi na niya makikita ang crush niya everyday.
Wala na siyang inspiration at motivation sa tuwing tinatamad siyang pumunta ng school.
'Hays.'
Napatigil naman siya nang may makita siyang pamilyar na bulto sa harapan ng gate ng bahay nila.
"Si Sir Kyle ba iyun?"
Nagmadali naman siyang maglakad nang ma-kumpirma nga niyang si Sir Kyle ito.
Ang mas malala pa ay kasama nito ang ate niya.
Nanlaki naman ang mata niya.
Anong ibig sabihin nito?
Napatago naman siya sa isang halaman nang mapalingon sa gawi niya ang Mommy niya.
Napasinghap naman siya sa narinig niya.
"Mommy, siya iyong sinasabi ko sa inyo. Si Kyle, nakilala ko siya nung pumunta akong Italy."
"Boyfriend mo?"
"Oo Mi, sasamahan niya ako pabalik sa Italy since dun rin naman nakatira ang parents niya."
Napanganga naman siya sa narinig.
Shete!
Si Sir Kyle pala iyong sinasabi ni Ate Kaye!
And all this time wala akong alam!
Kyaaaaaaah!
Nakakahiya!
Pinagnasaan ko pa naman si Sir at harap-harapang nag-blush nang tuksuhin ako ng mga kaklase ko.
Kyaaaaaaaaaah!