Wrong Send

126 5 0
                                    


Wrong Send
* - *
Mia is active now

Cath: Friendshipppppp

Mia:Oh, bakit?

Cath: Talaga bang kailangan kong gawin yung dare? Shems, nakakahiya.

Mia: Ano ka ba! Parang mag co-confess ka lang kay Kudos eh.

Cath: Grabe sya! Hay naku. Kung hindi lang talaga ako mamumulubi kung lilibrehan kita ng lunch for one month, aba hindi ko gagawin tu. My Gad. . This is embarassing.

Mia: Aysus. May pa-embarassing embarassing ka pa dyan. Gora ka na te. Update mo nalang ako kung mag re-reply o di kaya kung ise-seen ni Kudos ang confession message mo. Screenshot mo ha? Haha

Cath: Pssh, fine.

* - *

"Sige na nga. Para matapos na tu." sabi ni Cath sa sarili.

* - *

Kudos is active right now.

"Ese-send ko na ba? O hindi pa? Ay wait. Hingang malalim self, inhale exhale, inhale exhale. Sige na! This is it pansit!" at pinundot niya na nga ang send button.

* - *

Kudos is active right now.

Cath: Hi po. Ahm, I just want to let you know po na ang gwapo niyo. Actually crush nga po kita. Pero hindi dahil sa gwapo ka kaya naging crush kita ah? Naging crush kita kasi ang bait bait mo. Ang sweet pa at ang galing mong mag-gitara. Bonus na lang yang good looks mo. Notice me pooooo. I hope that we will get to know each other soonTake care po. Mag de-date pa po tayo in the near future. Hehehe'

"Shoot! Na send ko na. Ano ng gagawin ko?" -Cath

-Seen

Kudos is typing. . .

"O to the M to the G! Waaaaaaahhhh, mag rereply na sya. Hingang malalim self. H'wag ka munang atat mahimatay!" -Cath

Kudos: What? What do you mean? Ikaw ba tu Cathy Gorres Perez? Anak ni Tita Marj?

Cath: Po?

Kudos: Gag*! Hindi tayo pwede! Magpinsan tayo!

Kudos: Saka hindi tayo talo! Kalurkeyy ka ateng. Vaklush aketch.

Napaawang naman ang labi ni Cathy matapos basahin ang reply ni Kudos.

"Shems! Bakla pala sya? Ba't hindi halata? Waaaaaaah! Nakakahiya! Pinsan ko ba sya? Paano yun? Wait, anong full name niya?" - Cathy

Dali dali niyang tiningnan ang profile ni Kudos.

Kudos Zerep Miller

"Shete! Zerep? Perez? What the! Magpinsan nga kami! Paano na tu? Huhuhu" -Cathy

Kudos is typing . . .

Kudos: Uy, ateng! Buhay pa ba u?

"Ano ba Cath! Isip ka na ng palusot! Waaaaaahhhhh!" - Cath

Cath: Ay sorry po. Hindi po ba tu si Kurt Dominique Miller aka. Kudos Miller?"

Kudos: Ay ateng! Type mo rin yun? Ako rin type ko rin yun. Ang gwapo! Pero ateng artista yun. Paano niya magiging fb account ito? Hahaha, Kudos Perez is mah name bakla. Ako yung anak ni Paul Perez na kagagaling lang sa States (kaya kata-transfer ko lang dyan sa bongga niyong school). My pudra is the only brother of your Mommy na si Tita Marj. May Miller lang yung fb name ko kasi pangarap kong maging future Mrs. Kurt Dominque Miller.. Ay kakilig!

"Shete! Kung Perez pala ang surname niya ba't Miller ang tawag sa kanya sa school? My Gad. Ano nang sasabihin ko?" - Cath

Cath: Aw, talaga po?. Sorry po ah? Na-wrong send.

[Blocked]

ONE SHOTS 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon