Kaharotan Version 2.0

91 7 1
                                    


Napabuga naman ako nang hangin habang nakatingin kay Sir John na patingin-tingin sa paligid.

Maghahanap sana kami ng firewood since trip ng mga kaklase naming mag-bonfire.

Nagka-camping kasi kami.

Pero nahiwalay kami sa mga kasama namin.

Kinakabahan tuloy ako.

"Ah Sir?"

Tawag ko ng pansin sa kanya.

"Oh, Altamirano?"

Sagot niya.

"Hindi niyo po ba alam kung saan ang daan pabalik sa camping site natin?"

Tanong ko at umiling naman siya.

"No, and I'm afraid that we need to stay here for a while. Baka mahanap rin nila tayo."

Sabi niya kaya napatango naman ako saka umupo sa ugat ng malaking puno.

Syempre, nag-tabi tabi po muna ako.

Mapag-tripan pa ako ng iba diyan, eh dayo pa lang naman kami rito.

We don't have our phones kasi hindi namin nadala.

Kukuha lang naman kasi sana ng kahoy for pete's sake!

Buti nalang may flashlight na dala si Sir.

Napatingin nalang ako sa langit saka sumandal sa puno.

Kanina pa patingin-tingin si Sir.

Malay ko ba kung anong tinitingnan niya.

Kinuha ko naman ang baon kong cloud nine.

Buti nalang dalawa ang dinala ko.

"Gusto niyo Sir?"

Alok ko sa kanya at tinanggap niya naman.

Napahinga nalang ako ng malalim nang tumabi siya sa akin.

'Self! Pigilan mo ang sarili mo. H'wag kang marupok. Jusme. Teacher mo iyan g*ga ka.'

Saway ko sa sarili ko.

Tahimik lang akong kumakain ng cloud nine nang biglang may kumaluskos sa may likuran kaya agad akong napakapit sa braso ni Sir John.

Nagtitigan naman kami.

Napalunok pa ako nang unti-unti niyang inilapit ang mukha niya.

Napabuga naman ako ng hangin nang inilihis niya ng direksyon ang mukha niya.

"It's just a frog Jasmine."

Sabi niya kaya napatango ako saka dahan-dahang tumayo.

Feeling ko lalabas na ang puso ko sa kaba at kilig.

Napalingon naman ako sa kanya nang maramdaman kong hinawakan niya ang balikat ko at pinaharap sa kanya.

"Okay ka lang?"

Nag-aalalang sabi niya kaya napatango ako.

"Ah yes Sir."

Sagot ko kaya tumango naman siya.

Nagulat naman ako nang hawakan niya ang kamay ko.

"I think we should try to roam around baka nandiyan lang sila."

Sabi niya kaya tumango nalang ako.

Naramdaman ko pang pinisil niya ng bahagya ang kamay.

"H'wag kang kabahan, kasama mo ko."

ONE SHOTS 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon