Naudlot

41 5 0
                                    

"Faye!"

Napalingon naman ako sa sumigaw.

"Oh?"

Sagot ko rito nang makita kong si Gina iyon.

"Si Greg mo, may nilalandi na naman."

Napasimangot naman ako dahil sa sinabi niya.

Psh.

"Bahala siya. Hindi naman siya sa akin kaya anong pake ko?"

Napatawa naman si Gina dahil sa sinabi ko.

"Ay ang bitter mo teh."

Napasimangot naman ako.

Agad naman akong napatigil nang makakasalubong pala namin si Greg.

Bwis*t.

May kaakbay nga.

"Ang aga-aga Faye, nakasimangot ka."

Napairap naman ako dahil sa sinabi niya.

"Ang aga-aga Greg, anlandi mo."

Sabi ko kaya napatawa siya.

"Selos ka naman."

Napairap naman ako saka siya iningusan.

Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang higitin niya ako papalapit sa kanya.

"Faye, si Reign nga pala pinsan ko, iyong galing sa States. Reign, si Faye, future wife ko."

Sinipa ko naman siya sa binti dahil sa sinabi niya.

"H'wag kang maniwala sa kanya, I'm Faye, step-sister niya."

Sabi ko saka naglakad palayo.

Ba't naman kasi sa lahat ng mapapangasawa ni Papa ulit, ang Mama pa talaga ni Greg!

Hindi na tuloy matutuloy ang love story namin.

Psh.

ONE SHOTS 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon