"Guys, nandito na si Sir!"Malanding sigaw ng bakla naming kaklase kaya napairap ako.
Oras na pala ni Sir Kyle.
Ang malandi at maharot naming subject teacher sa Math.
Banat ng banat, akala mo naman ikakatalino iyon ng mga estudyante niya eh hindi naman.
"A pleasant morning everyone!"
Masiglang bati nito sa amin saka ngumiti ng pagkatamis-tamis.
"So nag-advance reading ba kayo mga gwapo at magaganda kong students?"
Nagtilian naman ang mga babae at binabae kong kaklase habang napasipol naman ang kaklase kong lalaki.
"Hindi Sir! Panay lang kasi ikaw ang tumatakbo sa isip ko!"
Napasimangot naman ako.
Andami na talagang malalandi sa mundo.
"Bitter ka pa rin teh?"
Napairap naman ako sa bulong ng katabi ko.
"Hindi kaya tigil-tigilan mo ko."
Sabi ko kaya napatawa siya.
"Sir hindi pa raw ba tayo magsisimula sabi ni Lonzaga, naiinip na siya."
Sigaw ni Kathy na bestfriend kaya napatigil silang lahat at napatingin sa akin.
"What? Wala akong sinasabi."
Sabi ko kaya napataas ang kilay ni Sir Kyle.
"Okay sige, magsimula na tayo dahil baka nga may naiinip na diyan. Baka bigla nalang tayong iwan."
Banat ni Sir kaya napairap.
Heto na naman po tayo.
Napahiyaw naman ang mga kaklase ko.
"So our topic for today is all about Probability. Ang probability kung mahuhulog ba siya sa akin o hindi."
Sabi niya saka ako kinindatan.
"Sir pwedeng dumiretso nalang po tayo sa discussion, yung wala ng kung ano-ano?"
Nakasimangot kong sabi kaya napatawa siya.
"So pwede na ring dumiretso na rin ako sa puso mo nang walang pasabi?"
Napahiyaw naman ang mga kaklase ko.
"Hindi Sir. Mas mabuting mag-discuss na kayo, kapag kami walang masagot sa exam Kasalanan niyo talaga."
Ani ko kaya napahalakhak siya.
"Okay lang na wala kang masagot sa exam basta umuo ka lang sakin, okay na."
Sabi niya kaya mas nagwala ang mga kaklase ko.
Mas napairap tuloy ako.
"Kuya, tigil-tigilan mo ko ah. Sumbong kita kay Ate Alyana, ang landi-landi mo."
Ani ko kaya ayon naging seryoso.
Ang landi kasi.
Takot naman pala sa girlfriend niya.
Psh.