Ballpen

50 3 0
                                    

"Ano ba!" Angal ko nang biglang hinawakan ng isang kaklase ko ang kanang kamay ko.

Napangiwi naman ako nang bigla niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Ano ba! Bitawan niyo ko!" Sigaw ko pero bigla lang akong sinampal ng isa ko pang kaklase.

"Pabida ka talaga eh 'no? Sa tingin mo ba palalagpasin namin ang ginawa mong pagpapahiya sa amin kanina?" Sabi nung sumampal sa akin saka hinawakan ng mahigpit ang baba ko.

Bigla ko naman siyang dinuraan sa mukha kaya napasigaw siya.

"Iyon lang? Nagagalit na kayo? Eh paano naman iyong pinagagawa niyo sa akin noon pa man? Sa tingin niyo ba simpleng mga bagay lang iyon dahil pinapalampas ko?" Mariing sambit ko habang pinipigilan ang sariling tuluyang magalit.

Napahigpit naman ang hawak ko sa ballpen ko.

At tuluyan nang nandilim ang mga mata ko nang tinawanan lang nila ako at pinunit ng isa sa kanila ang blouse ng uniform ko.

Bigla ko namang inangat ang kamay ko at itinarak sa leeg ng isa kong kaklase ang ballpen kung kaya't napatigil silang lahat at napatitig sa akin.

Napangisi naman ako nang makitang nabahala, natakot at nangamba sila sa susunod kong gagawin.

Hawak-hawak pa rin ang ballpen na puno ng dugo ay ibinaon ko ito sa mata ng isa ko pang kaklase.

Lima sila, at sisiguraduhin kong hinding-hindi sila makakaalis sa lugar na 'to ng buhay.

Kung akala nilang pababayaan ko nalang sila sa mga pinagagawa nila sa akin, pwes hindi na!

Dahil sawang-sawa na ko!

Sawang-sawa nakong paglaruan at babuyin!

Sawang-sawa na ako kaya para maiba.

Ba't hindi naman ako ang makipaglaro sa kanila?

Kung noon ako ang taya pwes ngayon sila naman.

Tatapusin ko ang buhay nila gamit ang ballpen na palagi kong dala.

Ang ballpen na maaaring makapagbibigay sa akin ng saya sa oras na bumaon na ito sa kanila isa-isa.

ONE SHOTS 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon