The Saddest Part of Her Life
Francheska's POV
Nakatingin ako sa dalawang larawan na kasalukuyan kong hawak.
Kahit ilang taon na ang lumipas ay hindi ko parin malimut limutan ang mga alaalang pilit kong binabalewala.
Subalit kahit na anong pilit ko, kahit anong pagbabalewala ko nandito parin, ang sakit na dulot ng mga alaala na kailanman ay mananatili hindi lang sa aking isipan maging sa aking puso.
(Flashback)
Younger Francheska's POV
"Mommy!!?" sigaw ko pagkadating ko sa bahay.
Nakita ko naman ang maaliwalas na mukha ni mommy. My mom is really beautiful. I smiled at my mom pero kumunot naman ang kanyang noo nang napagtanto niya na wala parin ang aking kapatid. 'Si ate na naman' bulong ko sa sarili.
"Nasan ang ate mo Cheska?" bumuntong hininga na lamang ako.
"Nandon pa sa kabilang kanto, ang bagal bagal kasing maglakad" padabog kong inilagay sa sofa ang bag ko at umupo ng nakabusangot ang mukha.
Huminga na namang malalim si mama.
Ilang beses na nga ba niya kong sinabihan na dapat alagaan ko si ate. Hindi ko kasi maintindihan, bakit ako ang mag aalaga kay ate? Diba siya ang ate, then why me? Ba't parang ako ang panganay?
"Ilang beses ko na--" pinutol ko na lamang ang sasabihin ni mama, tss. Alam ko naman kasi kung saan tungkol yan.
"Mama,Oo na. Ilang beses niyo na ba akong sinabihan. Eh' sa excited akong umuwi eh'." lumipat naman ang tingin ko sa invitation letter para sa recognition namin sa school.
Ako kasi ang First Honor, Best in Math, Science, Filipino, MSEP, EPP at Hekasi. Ang hindi ko lang nakuha ay english' eh sa mahina ako dun eh' ng konti lang naman.
"Mom!?" rinig kong sigaw ni Ate. Napasimangot naman ako ng dali daling naglakad si mom papunta kay ate.
Tss. As usual tatanongin at kukumustahin na naman niya si ate. Hindi niya ba napapansin na nasasaktan ako?
Ano bang meron sa ate ko at parang binabalewala lang ako ni mommy. Mabait naman ako ah, maganda rin naman at matalino pa.
Then why? Bakit palaging si Ate? Padabog akong tumayo at sa hindi inaasahan nahulog ko ang invitation card para kay mama.
Nang pinulot ko iyon tuloy tuloy na ang pag agos ng aking mga luha at patakbong tinungo ang aking kwarto. Sa mura kong edad, alam ko na talagang may favoritism sa amin ni ate. At hindi ko alam kung ano ang dahilan.
Recognition day ko at Graduation naman din ni Ate.
Magkaiba kami ng school. Private siya, Public ako. Hindi kasi kaya ni mama na kaming dalawa ang private. Grade 4 ako habang siya Grade 6. And sa pagkakaalam ko honor student rin siya pero With Honors lang at Best in English.
Haayy. Hindi ko parin sinasabi kay mommy ang awards ko, ni hindi ko nga pinakita ang Invitation Card.
Ilang beses na ba tong nangyari, Nung grade 1 ako, First honor rin ako nun pero nalate siya pagkapunta sa akin kasi inuna niya sa ate. Ganun ang nangyari nung Grade 2 at Grade 3 ako. At kung itatanong niyo noong kinder ako well, accelerated kasi kaya diretso sa Grade 1. At dahil sa mataas ang IQ ko , ganito ako mag isip.
Parang hindi bata, kaya nagmumukha akong panganay sa aming dalawa ng ate ko. Sabay kamimg umuuwi ni ate dahil palagi ko siyang sinusundo sa school niya.