Nandiyan Na Naman Sila

93 5 0
                                    

"Nandyan Na Naman Sila"

Nagmamadali ako sa paglalakad nang mapansin kong malapit na pala ako sa bahay.
'Nandyan na naman sila.' bulong ko sa aking isipan.

"Ate"

"Ate"

"Tulungan mo kami"

Nilingon ko naman sila at mariing pinikit ang aking mga mata.

"Hindi ko kayo matutulungan" sagot ko sa kanila.

Napatigil naman ako sa paglalakad nang mawala ang ilaw sa mga poste na nasa daan.

"Tulungan mo kami Ate" napalingon uli ako sa mga bata at napailing.

"Sabing hindi ko nga kayo matutulungan eh! Kaya please lang, tigilan niyo na ako." sabi ko at magsisimula na sanang maglakad ulit nang hindi ko na maigalaw ang katawan ko.

Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa mga bata nang magsimulang lumapit sila isa isa sa akin.

At habang lumalapit sila ay mas naaaninag ko kung ano ang totoong itsura nila.

Puno ng dugo.

Puno ng dugo ang katawan ng mga bata.

Ang isa'y wala ng kaliwang braso, habang ang isa naman ay dumudugo ang kaliwang pisngi dahil sa parang binalatan ito, at ang isa naman ay nakatahi ang bibig at wala na ang mga mata.
Anong nangyari sa kanila?

Napaawang ang labi ko nang haplosin ng isang bata ang mukha ko.

Nanindig naman ang mga balahibo ko dahil sa ginawa nito.

"Kapag sinabing tulungan mo kami" napaawang naman ang labi ko nang mag-iba ang boses nila.

Parang naging halimaw.

"Tulungan mo KAMIIII!!"

* - * - * - * - *

Napabangon naman ako sa aking kinahihigaan.

Pawis na pawis at tila ba nanginginig.

Napatingin ako sa paligid.

Puti.

Puti lang ang nakikita ko, ni pati ang suot ko ay kulay puti


"Ate, h'wag po!"

"Ate! Ang sakit na!"

"Ate!!" Napahawak naman ako sa ulo ko dahil sa mga sigaw na naririnig ko.

"Tumigil na kayo!" sigaw ko.

Nanlalaki naman ang mga mata kong nakatingin sa salamin na nasa harapan ko lamang nang makita ko ang tatlong bata na nakatayo sa likuran ko.

Bakit sila nandyan?

Napasigaw naman ako nang isa-isang pumasok ang mga alaalang pilit ko nang kinalilimutan.

Ang mga alaala na syang dahilan kung bakit nawala ako sa katinuan.

Ang alaalang naglalaman sa kung paano ko isa isang pinaslang ang mga nakababatang kapatid ko at kung paano ko niluto't kinain ang bawat parte ng katawan nila.

Nahigit ko naman ang aking hininga nang biglang bumulong ang isa sa kanila.

"Masarap ba kami ate?"

*The End*

ONE SHOTS 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon