"Unexpected"
Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng ingay sa baba."Honey?" tawag ko sa aking asawa.
Napatingin naman ako sa orasan sa bedside table at nakitang ala una pa lang ng madaling araw.
Pero mamayang alas kwatro pa lang uuwi si Scott.Napaigtad naman ulit ako nang makarinig ako nang parang may nabasag sa baba.
'Oh My God! Don't tell me may nakapasok na magnanakaw?'
Dali dali ko namang kinuha ang cellphone ko sa ilalim ng unan at tinawagan si Scott.
"Pick up the phone, honey. Please." bulong ko.
Ngunit napakunot noo naman ako nang tila narinig ko ang ringtone ng cellphone ni Scott sa baba.
'So nakauwi na sya?' tanong ko sa aking sarili.
Huminga muna ako nang malalim bago nag desisyon na bumaba.
'Kaya mo yan Thea.'
Dahan dahan ko namang pinihit ang seradura ng pintuan.
Nangunot naman ang noo ko nang makitang naka-off ang lahat ng ilaw sa baba.
'Naku naman. Paano kung may magnanakaw nga?'
Pero wala nang atrasan 'to.
Dahan dahan uli akong bumaba nang hagdan nang parang may nakita akong figure ng isang lalaki sa may kusina.
Lumapit ako sa kusina nang hindi napapansin ng lalaki at agad na tinungo ang switch ng ilaw.
Ngunit laking gulat ko na lamang dahil sa aking nasaksihan.
"What the! Scott! Mom! What f*ck is the meaning of this!"