Research

34 4 0
                                    


"Guys! May ambagan tayo para sa research. Kailangan makapasa na tayo ng chapter 1 to 3, hinihingi na kasi ni Ma'am Kisses ang hard copy."

Napakamot naman ako sa ulo nang marinig ko ang sabi ng leader naming si Diane.

Naman eh.

Ambagan na naman.

Jusme.

Maghihirap ako dahil sa ambagan na iyan eh.

Hindi pa naman ako nakahingi ng baon kanina kay Mama dahil may away kami.

Napakamot naman uli ako sa ulo ko bago bumaling kay Diane.

"Di, pwedeng bukas na iyong akin? Ikaw naman kasi, pabigla-bigla. Wala akong perang dala."

Nakasimagot kong sabi at umiling naman ito.

"Eh, wala rin akong pera at mas lalong ang kukuripot ng mga ka-grupo natin para bayaran iyong parte mo."

Napatayo naman ako dahil sa sinabi ni Diane saka inilibot ang tingin.

"Manghingi ka nalang dun sa asawa mo."

Napasimangot naman ako sa sinabi niya.

Ang sinasabi niyang asawa ko ay si Klyde.

Ang long-time crush ko.

Alam na yata ng buong campus na crush ko siya pero wala lang sa kanya.

Manhid si Koya.

"As if namang magbibigay iyan."

Sagot ko kaya napatawa si Diane.

"Try mo lang, malay mo bumigay."

Napanguso nalang ako habang nakatitig sa likuran ni Klyde nasa may 2nd row kasi siya habang nasa 4th row ako.

"Pssst! Love!"

Sabi ko nang mahina kaya napatingin sa akin ang ibang kaklase ko.

"Eeiiih, sinong love iyan Jane?"

Inaasar naman ako ng mga kaklase ko pero wapakels ako.

"Psst! Love! Hubby ko!"

Sigaw ko at nagulat naman ako nang tumayo ito at tinanggal ang--What the!

Naka-earphones pala siya.

Nagsitawanan naman ang mga kaklase ko habang ako naman ay namula.

Shete! Napahiya ako dun ah.

Napatungo nalang ako saka mahinang nagmura.

Shete!

"Bakit ba?"

Nanlaki naman ang mata ko sa narinig saka tumingala.

Napanganga naman ako nang makita kong nakatayo na siya sa harapan ko.

Wow! Nag-teleport si Koya.

"Ha?"

Ani ko at nakita ko namang parang naiirita siya.

"Ba't mo ko tinatawag?"

Napakurap-kurap naman ako sa sinabi niya.

"Ha? Kailan kita tinawag?"

Kinakabahan kong sagot at nakita ko namang napairap ito.

"Ako iyong tinatawag mo hindi ba?"

Napalunok nalang ako dahil sa sinabi niya.

"Eh kasi ano, peram ng bente. Pang-ambag sa research."

Lakas loob kong sabi at nakita ko namang kumuha nga ito ng bente sa bulsa.

"Bente lang pala, may pasigaw-sigaw pa ng Love." Ani niya saka inilapag ang bente sa desk ko at lumapit sa gawi ko at bumulong.

"May bayad yan ah. Kiss mo."

Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya.

At napatili naman ang mga kaklase ko nang hinalikan ako nito sa pisngi.

"Ako na nga lang, naging tuod ka na diyan eh."

"Love."

Anong nangyari?

Did he just kiss me and call me love?

Kyaaaaaaah!

Mommy! I'm dyinnngggg!

ONE SHOTS 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon