"Mommy, ayoko nung bear na binili niyo sa akin kahapon! He's a monster! Kinagat niya ako kahapon oh!" Napatingin naman ako sa limang taong gulang kong anak na babae.
Napakunot-noo pa ako nang makitang may sugat ito sa braso na parang kinagat.
"Baby, anong nangyari sa braso mo?" Nababahalang tanong ko. "Iyong teddy bear nga Mommy eh! Monster siya!" Napakunot-noo naman ako.
"Anong teddy bear? Iyong kulay pink?" Tumango naman ang anak ko.
"Yes Mommy but actually Mom! Hindi siya pink kulay black siya! With sharp teeths! Kinagat pa nga niya ako kagabi because I tried to shout when I saw it move!" Hindi ko alam pero kinilabutan ako sa sinabi ng anak ko.
"Nasaan na ang teddy bear anak?" Tanong ko at hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang itinuro ng anak ko ang likuran ko.
"Nasa likod mo siya Mom! He keeps on grinning! And he's cute and adorable!"
Dahan-dahan naman akong lumingon sa likuran ko at agad na napabitaw sa anak ko nang marinig kong humagikik ito na parang sobrang nasasayahan ito.
"Mommy he wants to eat you! He said that you look yummy daw!" Sabi ng anak ko saka humagikik.
Napasigaw naman ako nang paglingon ko ng tuluyan ay bumungad sa akin ang isang teddy bear na puno ng dugo at may matutulis na ngipin.
Agad naman akong napatakbo at hinawakan ang kamay ng anak ko pero hindi ito nagpatinag.
"Anak, we need to run! Kailangan na nating umalis!" Sabi ko pero umiling ito.
"Mom, why are you running away? He just want to taste you!" Sabi niya kaya napailing ako.
"Anak, he's a monster kaya kailangan na nating lumayo!"
"But Mom, hindi tayo makakaalis!" Sagot niya sa akin.
"Why?" Nababahalang tanong ko.
"He's already aiming at you!" Sigaw niya kaya napalingon ako sa likuran ko.
"Bye-bye Mommy! Sweet dreams! Dream of me Ma-ma-mommy." Sabi ng teddy bear saka ako tinaga.
[A/N: When kabaliwan strikes, hope you like it.]