Oras
Sabi mo 'maghihintay ka'
Sabi mo 'hihintayin mo ko'
Sabi mo 'hindi mo ko iiwan'
Sabi mo 'hinding-hindi mo ko bibitawan'
Pero bakit wala ka sa aking tabi
Bakit ako nag-iisa ngayong lumuluha
Bakit ako nag-iisa ngayong nagluluksa
Nakit ako nag-iisa ngayong nanghihinayang at nasasaktan sa oras na nasayang
Bakit ako nag-iisa ngayong tinatanaw kang nagpapaalam
Dahil ubos na ang oras mong makasama akoUbos na ang oras mong mahalin ako
Ubos na ang oras mo upang mabuhay
Ubos na ang oras mong makasama ako habang buhay
Dahil ngayon, kasalukuyan ka nan g nakahimlay
Sa higaang hindi mo inaasam at inaasahan
At ngayon, oras na para ako'y magpaalam
Sayo, sa ating mga pangako, at sa pagmamahalan nating unti-unti ng nauupos
Sa pagmamahalan nating hindi ko inaasahang matatapos.