Mahal Kita, Mahal Mo Siya

56 2 0
                                    

"Mahal Kita, Mahal Mo Siya"

Kanina ka pa daldal ng daldal.

Habang ako naman ay kanina pa nakatitig sayo habang nagsasalita ka.

Ba't ba kasi ang ganda mo?

"Hoy! Nakikinig ka ba?" napakurap kurap naman ako nang bigla kang nag-snap sa harapan ng mukha ko.

"Ha? Oo naman." sagot ko sayo.

Pero nakita ko namang umiling ka habang nakangiti.

"Don't tell me kinakabahan ka? Hoy lalaki! Hindi ikaw ang ikakasal! Best man ka lang uy! H'wag kang oa." sabi mo habang sinusundot sundot ako at patawa-tawa.

Yun na nga kasi ang problema eh.

Hindi ako yung ikakasal, ikaw.

Ikakasal ka na pero hindi ako ang groom, best man lang.

Ang sakit.

Ang sakit sakit isipin at makita na ikasal sa iba ang mahal mo.

Pero wala naman akong magawa, mahal mo sya, habang ako, mahal kita.

Iyan kasi ang mahirap kapag na-inlove ka sa bestfriend mo eh.

Lahat ng pagpapahiwatig mo walang malisya para sa kanya.

Napahugot naman ako ng hininga habang nakatingin sayo na nakangiting sinasabi ang vow mo sa lalaking mahal mo.

Mapakla naman akong napangiti.

Pero dahil nga sa 'bestfriend' lang tayo at hindi tayo ang mahal, eh kailangan nating magparaya.
Kailangan kong magparaya para makita kitang masaya.

Yung nga lang sa piling ng iba.

ONE SHOTS 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon