"Until My Last Breath"
"Chief!" tawag sa akin ng mga kasamahan ko.
"Chief Baltazar! Nandito na po si Inspector Lopez!" nilingon niya naman ang pumasok sa opisina niya.
"Is everything set, Inspector Lopez?" tanong ko rito.
"Yes Chief." sabi nito sabay salute. Inilingan niya naman ito.
"Gusto mong mag-kape?" sabi ko sabay tayo.
Nakita ko namang umiling ito.
"Talaga bang sasama ka sa raid Fiona?" tanong nito sa akin.
"Of course Inspector Lopez. Kailan pa ba ako na-missing in action sa tuwing may operasyon tayo?" sambit ko at nakita ko namang umiling ito.
Kumunot noo naman ako nang mapansing parang may mali sa inspector.
Parang hindi ito mapakali.
"May problema ba, Hannah?" tanong niya rito.
Napalingon naman ito sa kanya at tumitig pa nang iilang segundo bago umiling.
"Nah, I just wanted to say na maging ready ka. H'wag na h'wag kang magpadala sa mga emosyon mo. That's all." naguguluhan man ay tumango nalang siya sa sinabi nito.
"Mauuna na ako sa labas, Chief." ani nito saka tuluyang lumabas.
* - * - * - * - *
Naka-stand by na ang lahat sa pwesto nila hinihintay nalang nila ang signal ng asset na nasa loob ng bahay na pagre raid-an nila.
Nang makarinig sila ng putok ng baril ay agad na silang pumasok sa bahay.
Rinig na rinig niya ang palitan ng putukan, pero ang hindi niya maintindihan ay ang kabang nararamdaman niya.
She took a deep breath saka nagsimulang maglakad ulit.
Hindi niya inaasahan na marami-rami pala ang nandito.
Nakipagpalitan siya nang putok sa iilang kalaban, muntikan na sana siyang madaplisan sa may tagiliran mabuti nalang may humigit sa kanya.
Lumingon naman siya rito ngunit laking gulat nalang niya nang makitang isa ito sa mga drug dealers/pushers/users na syang huhulihin sana nila.
Ang mas malala pa ay si Poseidon ito.
Nakilala niyang si Poseidon ito dahil sa suot nitong earings na si Poseidon lang ang nag mamay-ari.