The Art of Letting Go

133 7 0
                                    

The Art of Letting Go

"Ano ba kasi ang problema mo ha?" sigaw ko sa kanya.

"Ano ka ba Malia! Makinig ka nga!" napatawa naman ako ng mapakla.

"Makinig? Really, Joshua? Matapos kong makita at marinig ang lahat ng kagag*han mo?" nanggagalaiti ako sa galit.

Ang sarap niyang ipakain sa mga pating o di kaya ipalapa sa tigre.

Ang kapal talaga ng mukha!

"Malia! Mali ang iniisip mo. Alam mo namang ikaw ang mahal ko diba?" humugot muna ako ng malalim na hininga bago ko sya harapin at sagutin.

"Alam ko? Alam ko nga ba talaga Joshua? O akala ko lang pala lahat yun? Kasi--" napatigil ako sa pagsasalita nang magsiunahan na sa pagpatak ang mga butil ng luha mula sa aking mga mata na syang kanina ko pa pinipigilang pumatak.

"Kasi naman Joshua, if you really love me. . . Hindi mo maiisipang patulan ang paglalandi sayo ni Pia." nakita ko namang napatigil si Joshua.

Guilt was written on his face.

"Ano kasi lasing ka? Lasing ka noong panahon na iyon Josh? Kaya mo sya pinatulan? Ha!?" sinubukan niya akong hawakan pero nasampal ko lang sya dahil sa hindi ko na mapigilan ang sariling saktan ang lalaking inaakala kong mahal ako.

"Oo sana Josh, Oo sana. Sana dahil nga lang sa lasing ka kaya pinatulan mo si Pia Pero hindi. Naulit Josh. Inulit at inulit niyo ang pangloloko niyo sa akin. Paulit ulit niyong ginawa hanggang sa tuluyan ko na kayong nakita at nahuli sa akto. At ang mas masaklap pa, nabuntis sya. Buntis ang pinsan ko Josh. 

Maaari mong sabihin na hindi ikaw ang ama dahil sa may boyfriend nga sya." napatawa ako ng mapakla.

Saka ko lang na-realize na bagay pala silang dalawa.

Parehas na manloloko't makakati.

"Pero ikaw ang itinuturo na ama. Oo, mahal kita. Pero hindi ako masokista. Lalong lalo na hindi rin ako makasarili, at alam mo yan."

"Kailangan mo syang panagutan Josh. Ikaw man ang ama ng dinadala niya o hindi. You should face the consequences of the mistake that you've done." napatitig ako sa kanya. Basa na rin ang mukha niya dahil sa luha. 

Kitang kita ko sa mukha niya ang pagtutol pero alam kong alam niyang wala na syang magagawa.


Eh sa gag* sya eh!

"I'm breaking up with you. Advance Congratiolations." And that's when I started to walk away from him.

From the person whom I loved the most, yet the one who caused the pain that I am feeling right now.

* - * - * - * - * - * - *

"Mr. Flores, you may kiss the bride" rinig kong anunsyo ng pari na syang sinundan naman ng palakpakan at hiyawan.

Ngumiti naman ako ng mapakla.

Kasal na sina Pia at Joshua.

At hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi malungkot at manghinayang.

Pero wala na akong magagawa, kasal na sila.

Napahawak naman ako sa tyan ko.

Hindi ko mapigilang hindi maluha.

'Stop it already, Malia. H'wag kang martyr.'

bulong ko sa sarili.

Tumayo na ako at hinigpitan ang hawak sa envelope na kanina ko pa tinitingnan.

Isang bagay na syang tuluyang nakapagpaguho sa mundo ko.

Pagkalabas ko sa simbahan ay tiningnan ko ulit ang laman ng envelope.

It was a picture.

A picture of a 3-month old fetus that's living on my womb.

Oo buntis ako.

Buntis ako at si Joshua ang ama.

"Pasensya ka na baby kung hindi mo man makikilala ang Daddy mo. Pero kahit ganun pa man, I'll do my best to make sure na magiging masaya ka. I love baby." sambit ko habang lumuluhang hinahaplos ang tiyan ko.

Kinuha ko naman ang phone ko at may tinawagan.

"Patricia, na-book mo na ba ako ng flight?"

"Yes ma'am, mamayang gabi na po ang flight niyo to Italy. Exactly 7pm in the evening." napangiti naman ako sa sagot nito.

Such a good start para makapag-move on at makalimot.

[Plot Twist: Hindi pala si Joshua ang ama ng dinadala ni Pia. At huli na ang lahat nang malaman iyon ni Joshua. Kahit sabihing pineke niya ang kasal niya kay Pia para hindi sya maging dehado kapag hindi sya ang ama ng dinadala nito ay wala na syang magagawa. Matapos kasi niyang makuha ang resulta ng DNA test at nalamang hindi sya ang ama ng bata ay nagkumahog syang ibalita ito kay Malia pero kagaya nga ng binganggit kanina, huli na ang lahat. Binawian ng buhay si Malia matapos nitong isilang ang anak nilang dalawa, si Joshua Ismaell.]

PS. H'wag niyong dibdibin ang plot twist dahil trip ko lang po yan. 

ONE SHOTS 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon