Kasal

89 7 0
                                    

"Kasal" 


Kanina pa ako iyak ng iyak rito.

Problema ba ng mga pangit na 'to?

"Hoy! Mga Kuya! Ano bang kailangan niyo sa akin! Jusko si Kobe hinihintay pa ako sa may simbahan!" sigaw ko at pilit na kinakalagan ang sarili.

"Manahimik ka na nga lang diyan! Ang ingay ingay eh!" sigaw naman ng isa sa mga lalaking dumukot sa akin.

"Hoy! Pakawalan niyo ko! Shete! Ngayon ang kasal ko ba't ngayon niyo pa ako napag-tripang dukutin! Naman eh!" nagsisigaw ulit ako pero agad ring nanahimik dahil sa tinutukan ako ng baril nung lalaking sinagawan ako kanina.

Hot tempered si Koya!

Ipinilig ko na lamang ang ulo ko dahil sa kung ano ano nalang ang naiisip ko.

"Ano ka ba pare! Kalma lang! Lagot tayo kay boss nito pag sinaktan mo yan." bulong nung isa pang kidnapper dun sa lalaking hot tempered.

'Pa-bulong bulong pa eh naririnig ko naman.' sabi ko sa aking isipan.

Pinikit ko na lamang ang mga mata ko sabay buntong hininga.

Ngayon ang kasal ko pero hindi ko alam kung matutuloy pa ba!

Eh sa ki-nidnap ako eh!

Pero kidnapping nga ba ang tawag dito, eh hindi naman ako kid.

Psh.

Ibahin nalang natin ang term, euphism kung baga.

Ah! Abduction nalang.

In-abduct ako ng mga aliens este ng mga men in black.

Napadilat naman ako nang marinig kong bumukas ang pintuan.

Pumasok naman ang isang babae na nakasuot ng pulang bistida at may dalang tray.

Kuma-Catriona Gray si ate gurl. 

Nag twerl pa eh.

Lumapit ito sa akin kaya naaninag ko naman kung ano nga ba ang laman nung tray.

Hala! Ba't may injection? 

Waaaaaaaah!

Napalunok nalang ako nang parang pine-prepare niya iyon na para bang may tuturukan siya.

Napalinga naman ako sa paligid, hindi naman siguro ako hindi ba? Naman eh!

"Hawakan niyo sya." sabi nang babae kaya nagpumiglas ako.

"H'wag kang gumalaw kung ayaw mong itarak ko 'to sa ngala-ngala mo." napatigil naman ako sa sinabi nito.

Omo!

Ang brutal ni ate gurl!

Hndi sya mabait, ba't hindi nalang siya gumaya kay Catriona na tinitingnan ang lahat ng bagay with silver linings.

'Huhuhuhu! Lord naman!'

Napapikit nalang ako nang itinurok niya na sa akin ang injection.

Mashaket! Pramis! Mashaket!

Napakurap kurap naman ako nang para bang nanlalabo ang paningin ko.

Magsasalita pa sana ako nang parang umikot ang mundo at nag merry go round.

Shete! Pampatulog yata yung itinurok sa akin akala ko gluta.

* - * - * - * - *

Nang imulat ko ang mga magaganda kong mga mata, h'wag na kayong kumontra ako ang bida ngayon.

Take 2 ulit tayo.

Ehem! Ehem!

Nang imulat ko ang magaganda kong mga mata ay napansin kong nasa kotse ako.

ONE SHOTS 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon