"She Fainted, I Fall"
Napatingin naman ako sa babaeng nakaratay sa isang higaan.
Pinahid ko ang iilang butil ng mga luha galing sa kanyang mga nakapikit na mata.
"Celine, naalala mo pa ba iyong una nating pagkikita?" sabi ko sa kanya, nagbabasakaling marining niya ako.
Naalala ko pa noon, June 27, 2018.
* - * - * - * - *
Kanina pa ako naghihintay rito ng masasakyan pero wala pa rin talaga.
Napalinga-linga na ako nang may napansin akong babaeng papatawid.
It seems like she's walking absentmindedly.
Dali dali naman akong naglakad papalapit sa kanya at hinablot ang kanyang kanang kamay nang tuluyan na sana syang tatawid.
"Ano ba miss! Nababaliw ka na ba?" singhal ko sa kanya pero napansin kong mainit sya.
Tiningnan ko naman ang mukha niya at pansing namumutla ito.
Pero kahit ganun pa man ay hindi mo pa rin maikakaila ang kagandahang taglay nito.
"Miss, okay ka lang?" napatingin naman siya sa akin at unti unting kumapit sa balikat ko.
Nagulat nalang ako nang makitang umiiyak ito.
"Drake" bulong niya kaya napaawang ang mga labi ko.
Kilala ba ako ng babaeng 'to?
"Ano Miss?" tanong ko ulit sa kanya pero umiling lang ito at tumalikod sa akin.
Mag uumpisa na sana itong maglakad nang mabuwal ito sa kinatatayuan niya.
Tatawagin ko na sana sya ulit nang mapansin nawawalan na ito ng balanse kung kaya't nilapitan ko ito.
Mabuti na lamang ay nasalo ko siya nang tuluyan na siyang nawalan ng malay.
* - * - * - * - *
"Naalala ko tuloy yung iniisip ko noong panahong iyon
Bakit ganun, siya itong hinimatay pero parang ako ang nahulog?
Cheesy mang pakinggan pero parang na-love at first sight ako sayo.
Pero lahat pala iyon ay akala ko lang.
Akala ko iyon ang una nating pagkikita pero hindi.