"Born For You"
"Hello love, na-miss kita. Ako? Na-miss mo ba ako?" basa ko sa letter na ginawa mo para sa akin.
Pinahid ko naman ang iilang luha ko.Kahit ilang beses ko nang nabasa ang letter mo ay naiiyak pa rin talaga ako.
"I just want to say thank you. Thank you everything love. Thank you for accepting and loving me. Alam ko namang mahal mo ko, diba love? Eeeiih, kinikilig siya? Aysus, ang baby damulag ko."
Napatawa naman ako dahil sa kung ano ano na lang ang sinasabi mo.
Baliw ka talaga.
Kaya nga love ang call sign natin kasi mahal na'tin ang isa't isa hindi ba?
"I was born for you, and you were born for me, kanta ka love. Theme song natin yan kaya h'wag kang kj. Ang ganda ng lyrics ano? Bagay na bagay sa atin. Diba? Diba? Sumagot ka love, kung hindi, iki-kiss kita."
Naalala ko pa noong una nating pagkikita, I was singing the song Born For You habang naglalakad nang magka-banggaan tayo.
Sabi mo na-LSS ka sa kantang iyon dahil sa akin kaya ginawa nalang nating theme song.
Ang dami mo talagang pakulo.
"And before I'll forget, I wanted to say sorry, love. Sorry for my mistakes. Sorry kung minsan ang tigas tigas na ng ulo ko. Sorry kung minsan sobrang pasaway ko na. Sorry sa lahat ng kakulangan ko as a boyfriend. Ang cheesy ko na ba, Love? Pasensya na ha? Mahal kasi kita eh." napakagat naman ako sa aking labi habang pinipigilan ang sariling umiyak.
Ba't nga ba kasi ako umiiyak?
"Happy anniversary Love. Pang-ilang anniversary na ba natin 'to love? Pang-apat! Pakasal na tayo next year ha? I love you. I love you very much. Mag-ingat ka love, pakakasalan pa kita. PS. Pwede ka ng kiligin love, h'wag ka ng mahiya."
Matapos kong basahin ang letter mo ay dun na talaga ako tuluyang napaiyak.
Anniversary na natin Love.
Kasal mo na ngayon
Pero hindi sa akin, sa ibang babae.
An'sakit lang isipin na wala naman tayong maling ginagawa pero ba't tayo pinaglalayo ng tadhana.
Bakit ba kasi ayaw sa akin ng parents mo?
Dahil lang ba sa hindi ako babae?
Is it my fault kung bakit na'tin mahal ang isa't isa?
Hindi, 'diba?
What's wrong about loving a person with the same gender as you are?
Wala naman 'diba?
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan ka pang kunin nila sa akin.
You are my hapiness, as I am your hapiness too.
Alam nila yun love, pero hindi nila tanggap.
Ang mas malala pa ay ang ipakasal ka nila sa isang babaeng hindi mo gusto!
Babaeng sinasabi nilang maaaring makapag-pababalik sa pagka-lalaki mo.
At ang mas nakakasakit pa ay ang babaeng sinasabi nila ay ang ate kong matagal ka na palang minamahal nang palihim habang alam niyang may "tayo".