"Be Careful What You Wish For"
"Anaya! Happy Birthday Anak!" bati sa akin ni Mama pero hindi ko siya pinansin.
She's holding a chocolate cake.
Saan niya kaya nakuha ang perang pambili niya ng cake?
Baka nag-pokpok ulit! Psh.
Ba't ba kasi naging nanay ko pa ang isang iyan!
Nilagpasan ko lang siya at pumunta sa may pintuan.
"Late akong uuwi mamaya kaya h'wag mo na akong intayin. Tch."
Napataas pa ang kilay ko dahil sa para bang na-dismaya pa ang isang 'to dahil sa sinabi ko.
Napangiwi naman ako dahil sa bulungan ng kapitbahay namin.
'Iyan na yung anak nung pokpok oh.'
'Oo nga, naku! Hinala ko sa batang iyan eh tutulad rin iyan sa ina niyang makati.'
'Oo nga, kung ano ang puno siya ring bunga.'
'Tsk, patulan ba raw kasi ang mayor na'ting pamilyado na.'
'Oo nga, kahit ilang taon na ang makalipas ay hindi ko rin malimut-limutan ang issue-ng iyan Mare!'
'Oo nga, hindi ba't nag-aagaw buhay na ang ama ng batang iyan noong ginawa niya iyon? '
'Oo, kaya nga hindi ko lubos maisip kung bakit pumasok iyon sa utak ni Beverly.'
'Ang tanong ba Mare, may utak ba yun?'
Halos ansarap nilang pagbabatuhin dahil sa pang tsi-tsismis nila sa buhay namin.
Bwes*t kasi si Mama!
Ba't niya ba kasi nagawa ang bagay na 'yon!
Ang kapal talaga ng mukha.
Nagulat nalang ako nang may nakabunggo akong babaeng matanda.
"Ale, ayos lang po kayo?" tanong ko rito at tinulungang tumayo.
"Kaarawan mo ngayon hija?" nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi ng Ale.
"Po?" tanong ko rito at nakita ko naman itong nagpipigil ng ngiti.
"Anong wish mo?" tanong niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko.
Hindi ko alam pero bigla ko nalang naisip ang mga katagang
'Sana mawala na si Mama. Sana mawala na siya sa buhay ko!'
Nakita ko namang tumango-tango ito.
"Okay, pero may kapalit. Saka ko nalang sasabihin kung kailan ko gustong kunin ang kapalit hija. Mauna na ako. Maligayang Kaarawan."
Hindi ko alam pero kinilabutan ako sa sinabi ng matanda.
May topak yata yung matanda.
Hindi ko nalang siya pinansin at ipinagpatuloy ang paglalakad papuntang eskwelahan.
At agad rin naman akong napabuntong hininga nang pati rito sa school ay hindi pa rin ako nilulubayan ng tsismis!
Ano ba kasi iyan!
Ilang taon na ang makalipas pero hindi pa rin sila maka-recover!
Bwes*t!
Pagpasok ko sa classroom ay agad naman akong napapikit nang may bumuhos sa akin na isang timba ng tubig.