Pangako

37 2 2
                                    

Kakatapos ko lang maligo nang napagpasyahan kong lumabas ng aming bahay.

Nakita ko pang nagbubulungan ang iilang kababaihan sa amin.

May mga dayo na naman siguro.

"Floresca!" Tawag ng kapitbahay
namin sa akin kaya dali dali rin akong lumapit sa kanya.

"Oh? Anong kailangan mo Rita?" Tanong ko rito pero agad naman akong napailing nang humagikik ito.

"May mga dayo na naman Floresca! Ang gwa-gwapo! Saka dito muna sila mga ilang buwan! Subukan mo kayang maghanap at kilalanin sila, baka nandyan na yung 'The One' na pinkaaasam mo." Napangiti naman ako sa sinabi niya saka umiling.

"Ikaw na nga ang nagsabi Rita, ilang buwan lang sila rito. Hindi sila rito habang buhay kaya ba't ko pa ipagpipilitan ang sarili sa kanila? Saka pinag-iisipan ko pa kung papasok ba ako sa kumbento." Napangiwi naman ako nang hampasin niya ako sa braso.

"Ano ka ba Floresca! Sayang ang ganda mo! Saka feeling mo naman papayagan ka ni Tatay Al, eh hindi naman." Sambit niya kaya napasimangot ako.

"Ah, basta. Kuntento na ako sa kung anong meron ako ngayon. Ayoko nang gawin pang komplikado ang buhay ko." Naiiling na sambit ko saka bumalik uli sa bahay.

* - *

"Floresca!" Tawag sa akin ni Inay.

"Nay? Bakit po?" Sambit ko saka lumapit sa kanya.

"Pwede mo bang kunin iyong ini-order kong tela kay Analiza sa bayan? Sisimulan ko na kasi yung damit mo para sa Santacruzan." Sabi ni Inay kaya napakamot ako sa ulo.

Ba't ba ako nasali sa Santacruzan?

"Oh sige nay." Sagot ko rito.

"Mamalengke ka nalang rin Anak." Napangiwi naman ako sa sinabi ni Inay.

Abusado rin ang isang 'to eh.

"Oo na nay, para namang mahi-hindian kita." Sabi ko kaya napangisi si Nanay.

Nag-abot naman siya ng listahan ng mga bibilhin ko at pera.

Agad naman akong pumunta sa paradahan ng trycicle at sumakay.

Pagkarating ko sa bayan ay hindi ko maiwasang hindi mapangiwi dahil masyadong marami ang tao.

'Kainis! Kaya ayaw kong mamalengke eh! Pero alangan namang hindian ko si Inay! Habulin pa ako ng walis nun eh.'

Nagpatuloy naman ako sa paglalakad papunta sa palengke ng bayan.

Dadaanan ko nalang mamaya si Analiza para sa tela.

Ang init naman.

Matapos kong mabili ang lahat ay sumilong na muna ako sa waiting shed.

Ang init init na kasi.

Pero makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na rin akong maglakad papunta sa shop ni Analiza.

Laking gulat ko nalang nang may tumabi sa akin at pinayong-an ako.

Napalingon naman ako sa lalaki at nagulat nalang ako nang mapagtanto kong dayo ito.

Iba kasi ang kutis nito.

Maputi kasi ito at iba ang kulay ng mga mata.

Kulay abo.

"Ah, salamat." Sambit ko at nakita ko naman siyang tumango.

Hindi ko alam pero tila ba may kumikiliti sa akin habang kami ay naglalakad.

Nalalanghap ko rin ang kanyang nakakahalimuyak na pabango.

ONE SHOTS 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon