Ako at Siya? No Way!

66 4 0
                                    

"Ako at Siya! No Way!"

Kamusta ka na diyan, mahal?

Napapikit naman ako nang biglang umihip ang malamig na simoy ng hangin.

Disyembre na, ilang taon na pala ang nakalipas na wala ka sa tabi ko.

Nakasakay ako sa wheel chair yakap yakap ang picture mo habang nakatitig sa papalubog na araw.

"Naalala mo pa ba noon mahal?" sabi ko habang unti unti kong ipinipikit ang aking mga mata na tila ba dinadala ang sarili sa panahon kung kailan at saan kita unang nakilala.

* - *

"Eula, nandiyan na yung prince charming mo oh!" bulong sa akin ni Divina kaya sinipa ko siya.

"Tumigil ka nga, hindi ko nga yan kilala kaya papaanong magiging prince charming ko yan? Ha?" napatigil naman ako nang may nagsalita sa likuran ko.

"Eh sa kilalanin mo naman kasi. Paano na lang kung ako talaga yung prince charming mo pero pinakawalan mo lang?" inismiran ko naman ang lalaki at nakita ko namang napatawa ito.
Gwapo na sana, yun nga lang may dalang bagyo.

"John Timothy Torres nga pala at your service, Miss Beautiful."

* - *

Napangiti naman ako habang inaalala ang mga panahong iyon.

Naalala ko pang kinulit-kulit mo pa ako para makuha mo lang ang number ko pero in the end kay Divina ka nalang nanghingi kasi ayaw ko talagang ibigay sayo.

Muntikan ko ngang sabunutan si Divina nang malaman kong siya pala ang nagbigay ng number ko sayo.

* - *

Ikaw: Hi Miss Beautiful

Ako: Sino 'to?

Ikaw: Syempre yung napaka-gwapo mong prince charming.

Ako: Sa pagka-alaala ko, hindi naman ako isang disney princess para magkaroon ng prince charming. Kaya please lang, Mister Who-Ever-You-Are, lubay-lubayan mo ko.

* - *

Pero hindi mo ko tinigilan, ang tawag mo sa akin ay Miss Beautiful habang ang tawag mo naman sa sarili mo ay Prince Charming ko.

Hindi ko talaga alam kung saan mo nahuhugot yang nag-oover flow mong self-confidence to the point na pumunta ka pa sa bahay at umakyat ng ligaw.

Kinantahan mo pa nga ako ng Kundiman, yun nga lang mali mali ang lyrics.

Kahit sinabi kong ayaw kong magpaligaw ay hindi ka parin nagpapigil.

* - *

"Hoy! Ikaw na lalaki ka ah! Nakaka-inis ka na to the nth power. Jusko Lord! Hindi ka ba napapagod sa kakasunod sa akin?" tanong ko sayo habang nakatitig sayo ng masama.
Imbes na malungkot ka ay tila ba nasiyahan ka pa dahil sa naiirita ako nang dahil sayo.

"Ang cute mo talaga pag umuusok ang ilong mo! Aray! H'wag ka ngang mang-pingot! Hindi pa nga tayo kasal, battered husband na--Aray! Ang lakas mong manghampas ah! -- Aray! Babae ka ba talaga?" mas lalo kitang tinitigan ng masama dahil sa pinagsasabi mo.

My Gosh! You're so Annoying!

"Pero, balik tayo sa question mo. Kung mapapagod ba ako sayo, syempre hindi. Mahal kita eh." napatigalgal naman ako dahil sa sinabi mo.

Napakurap kurap pa ako dahil sa hindi ako makaniwalang sinabi mo iyon.
Pero agad ring nawala nang nagsalita ka ulit.

"Uy, kinilig sya! Crush mo na ako noh? H'wag kang mag-alala! Bago ka pa man nagka-crush sa akin, mahal na kita."

* - *

Napangiti naman ako nang maalala ko iyon.

Ang kulit kulit mo talaga kaya ayun, wala na akong nagawa.

Tuluyan na nga akong nahulog sayo, mabuti nalang nasalo mo ko.

* - *

"Hoy panget! Sino yun?" tanong ko sayo.

"Sino? Yung maganda na kausap ko kanina? Si Angela yun ka-block mate ko. Bakit selos ka?" hinampas naman kita ng notebook kaya ayun napa-aray ka.

"Grabe ka talaga mahal, ang sadista mo." napalingon naman ako sayo at nakitang hawak hawak mo ang mukha mo.

Sa mukha mo pa yata kita nahampas.

Napakagat labi naman ako nang makitang nagkasugat ang kaliwang pisngi mo.

"Grabe ka ah. Nagawa mo pa talagang sugatan ang napakagwapo kong mukha! Uy! Saan mo ko dadalhin?" napatigil ka naman nang marealize mo kung ano ang gagawin ko.

Pina-upo naman kita sa bench at kumuha ng band aid.

Ayaw mo pa sanang magpalagay dahil may hello kitty na design ang band aid pero dahil sa takot ka sa akin ay nanahimik ka nalang.

"Oh, ba't ganyan ka makatingin? In--" napatigil ka naman sa pagsasalita dahil sa bigla kitang hinalikan sa kaliwang pisngi kung saan nagka-sugat ka.

Napatulala ka pa ng ilang segundo bago ka nakangangang tumingin sa akin.

"Oo na, in love na ako sayo. Kaya h'wag ka na ulit makikipag-usap sa ibang babae ng ganun mahal, okay?" tumango tango ka naman pero hindi ka nagsasalita.

Para ka ngang natuod eh.

"Pero pinsan ko lang naman si Angela mahal eh."

Nang maka-recover ka sa gulat ay napasigaw ka naman dahil nga sa sinagot na kita.

* - *

Napahawak naman ako sa dibdib ko nang para bang kinakapos ako ng hininga.

"Lola! Lola! Okay ka lang?" pansin ko namang may yumuyugyog sa akin.

"Mommy! Si Lola!" naramdaman ko namang parang nagkagulo ang lahat ng nasa paligid ko.

Napangiti naman ako nang ma-realize kong ikaw ang unang minahal ko at naging boyfriend, ikaw ang una ko sa lahat at ikaw rin ang naging huli ko.

At masaya ako doon mahal.

Masaya ako dahil ikaw ang aking nakatuluyan.

"Mahal, matagal tagal ka pa diyan? Kanina ka pa kwento ng kwento sa napakagandang love story natin. Proud na proud ka talaga dahil sa ang gwapo gwapo ko. Pero hindi ba sumasakit ang panga mo kakasalita? Baka pagod ka na ah?" napangiti naman ako nang marinig ko ang boses ni mahal.

"Hinding hindi ako mapapagod pagdating sayo mahal." sagot ko at napangiti naman ako nang makitang nakangiti ka rin sa akin.

"Nahawa ka na talaga sa pagiging corny ko mahal. Pero okay lang yan, basta ba sa akin ka lang ganyan." napatawa naman ako sa sinabi mo.

"Naghintay ka ba ng matagal? Pasensya na kung matagal akong nakasunod ah." nakita naman kitang umiling saka mo ko hinalikan sa tungki ng ilong ko.

"Hindi naman, pero kung magtatagal pa tayo rito baka pag-sarhan na tayo ni San Pedro." sabi niya kaya napatawa ako.

Hinawakan niya naman ang kamay ko at sabay kaming naglakad papalapit sa may liwanag.
"Mahal na mahal kita, mahal" sambit ko.

"Mas mahal kita, mahal. Ssssh ka na nga lang diyan. Pinakikilig mo na naman ako eh. Aray ko po! Nanghahampas ka na naman, mahal. Nagbibiro lang eh. Basta mas mahal kita, okay?"

*The End*

ONE SHOTS 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon