Crush

47 3 0
                                    

Napasimangot naman ako habang nakapahalumbabang nakatingin sa labas ng classroom.

Ang tagal dumating ni Ma'am Castro.

Psh. Inaantok na ako, ang lamig kasi ng hangin dahil sa umuulan.

Napatingin naman kaming lahat sa may pintuan nang bumukas ito.

Akala ko si Ma'am Castro, si Kenjie mylabs lang pala.

Napatili naman ang iilan sa mga malalandi kong kaklase.

Habang ako naman ay napalunok nang makita kong medyo basa ang buhok at uniform nito.

Wet look si Koya.

Napakurap-kurap pa ako nang magtama ang mga mata namin.

Kyaah!

May spark.

Kinilig ako eh. Hihihi.

Nagsimula naman siyang maglakad papalapit sa gawi ko at halos mapugto na ang hininga ko dahil sa maamoy ko na ang pabango niya.

Ang gwapo talaga ng isang 'to.

Ang yummy pa.

Napapikit naman ako nang tuluyan na niya akong madaanan.

Muntikan na akong mapatili dahil sa ang bango talaga niya.

Ngi-ngiti na sana ako nang marinig kong magsalita ito at kinausap ang seatmate niya.

"Bakla, may towel ka ba? Nakalimutan ko kasi ang payong sa bahay dahil sa hiniram iyon ni mudra nung nakaraang araw."

Agad-agad naman akong napangiwi dahil sa sinabi niya.

Okay na sana eh.

Mala-fiction character na ang dating niya.

Huhuhu.

Wala na talaga akong pag-asa sa kanya.

Parehas nga pala kami ng hanap.

Humarap nalang uli ako sa may bintana at tahimik nalang na hinintay si Ma'am.

Na-bwis*t tuloy ako.

ONE SHOTS 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon