"Ang Pagkakaibigan"
Sabi nila, ang swerte mo raw kapag nakahanap ka na ng totoo mong kaibigan.
May ganun ba?
Sabi kasi ng isang kaibigan ko hindi lahat ng tao na kaibigan ang turing sa iyo eh, eh kaibigan mo talaga.
May mga tao raw kasi na 'Kaibigan ka lang kapag may kailangan.'
Naalala ko tuloy si Mylene.
Siya kasi ang may sabi niyan. Ang kaisa-isa kong bestfriend na siyang kay taray talaga. Sa aming dalawa siya ang mas matatag, siya yung sandalan at parang ate ko. Ang swerte swerte ko nga sa isang yun.
* - *
"Hoy! Ano na namang nginangawa mo diyan? Don't tell me nag-break na naman kayo nung bago mo? Aysus! Parang maliit na bagay lang yan eh. Iniiyak-iyakan mo pa talaga." Sabi niya kaya sinapok ko siya.
"Grabe ka! Ang sama niya kaya. Pinahiya niya ako sa harap ng maraming tao." Sambit ko saka umiyak uli. Sinamaan naman ko naman siya ng tingin nang binatukan niya ako. Ang sadista talaga ng isang 'to.
"Pinahaya ka sa maraming tao? Eh bakit ano bang ginawa niya? Ha?" Sabi niya kaya napa-pout ako.
"Sinabihan niya ako na masyado raw akong isip bata. Saka hindi raw kami bagay. Saka masyado raw siyang gwapo para sa akin. Hindi ba ang kapal ng mukha? Alam mo ba kung saan niya yan sinabi? Nung nag-date kami sa mall! Huhuhu.." Binatukan na naman niya ako.
Ang shaket.
"Taga-saan ba yun nang matambangan ko? Saka anong sabi niya? Isip bata ka? Well totoo naman yun. Then hindi kayo bagay? Malamang hindi naman talaga kayo bagay kasi tao kayo. Pero yung masyado siyang gwapo para sayo? Hala! Ang lakas ng payting spirit niya brad! Hindi niya yata alam na may kaibigan kang black belter! Taga-saan nga uli yun? Nang makita ko naman kung gwapo ba talaga siya." Sabi niya kaya napatawa ako.
"Gwapo naman talaga siya Mylene. Para kaya siyang si Daniel Padilla. Aray." Dinuro niya naman ako.
"Ikaw babae ka! Ikaw na nga tung sinaktan at pinahaya may gana ka pa talagang hangaan ang mukhang letsugas na yon! Ewan ko nalang talaga sayo! Makauwi na nga. Kung hindi mo na talaga kaya ang kabaliwan mong yan, may cutter sa drawer, ipamputol mo diyan sa bangs momg hindi pantay pantay! Jusme, inaabala mo ako eh." Sabi niya kaya napatawa ako.
Galing pa kasi siyang school then tinawagan ko siya at sinabing pinaiyak ako nung boyfriend ko.
Kaya ayan, napasugod dito sa bahay namin.
* - *
Napatawa naman ako habang inaalala ang pangyayaring iyon. Kahit na loka-loka iyon ay alam ko namang mahal na mahal ako nun.
Medyo nawala nga lang ang komunikasyon namin sa isa't isa nang magsimula na kaming mag-aral sa college.
Magkaiba kasi kami ng school.
Ang kinuha kong kurso ay Fashion Designing habang siya ay Nursing.
Then idagdag mo pa na nagkaroon ako ng mga kaibigan na gimikira kaya minsan nalang talaga kaming magkasama.
Grade concious at scholar kasi ang isang yun.
Habang ako eh pa-chill chill lang.
Isang beses nga nang magkaroon kami nang tampuhan.
* - *
Nasa may bar kami ng mga kaibigan ko nang nagulat nalang ako nang sumulpot ito. Kinuha niya ang shotglass sa kamay ko at padabog itong ibinaba sa mesa.