"Sa'n ka pupunta bakla?"
Napangiwi naman ako sa sinabi ni Hailey.
"D'yan lang sa tabi-tabi. Maghahanap ng pwedeng jowain."
Sagot ko kaya napatawa siya.
"Ba't ka pa maghahanap eh may Jonas ka na nga hindi ba?"
Binatukan ko naman siya.
"May klase tayo kay Sir Jonas mamaya hindi ba?"
Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Ba't ka ba Jonas ng Jonas ha?"
Tanong ko kaya napahagikik ito.
"Bakit ayaw mo?"
Inirapan ko naman siya saka mas dinalian ang paglalakad.
"LQ kayo 'no?"
Napatigil naman ako sa paglalakad saka sinamaan ng tingin si
"Manahimik ka nga diyan, baka may makarinig. Ma-issue pa ako eh."
Sabi ko saka nag-umpisang maglakad.
"Oh, ba't ka sumunod?"
Tanong ko sa kanya.
"Wala lang, pinababantayan ka kasi."
Pinaliitan ko naman siya ng mata.
"Ano?"
Tanong ko at natatawang umiling naman ito.
"Wala, sabi ko sali ako. Gusto ko ring maghanap ng jowa."
Sinimangutan ko naman siya.
"Bahala ka nga diyan."
Ani ko saka dinalian ang paglalakad.
"May klase tayo mamaya kay Sir Jonas 'di ba?"
Napatigil naman ako sa paglalakad saka siya sinamaan ng tingin ng tingin.
"Ba't ba Jonas ka ng Jonas? Eh Jonathan Sebastian ang pangalan ni Sir."
Sabi ko saka umirap.
"Wala lang nakikiuso. May LQ nga kayo 'no?"
Napahinga nalang ako ng malalim.
"Isa nalang talaga Hailey, kakaladkarin na talaga kita palabas ng school."
Sambit ko kaya napatawa siya.
"Fine, kalma lang. Pero alam mo bang may rumor na may nobya raw si Sir na estudyante?"
Napairap nalang ako sa narinig at inirapan siya.
"At hindi ikaw iyon bakla."
Sabi niya saka humalakhak.
"Kaya move on na tayo bakla, di ka na babalikan nun."
Sabi nito saka umalis nang tumatawa.
Kita mo na, inasar-asar ako kay Sir Jonas iyon pala alam niya nang wala akong pag-asa.
Bw*set!