Ang Bago Naming Kapitbahay

52 5 0
                                    


"Ang Bago Naming Kapitbahay"

Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa bagong lipat na kapit-bahay namin.

Puro kasi sila lalaki kaya hindi ko maiwasang mangamba.

Isang beses nga nung lumabas ako para bumili ng toyo sa may tindahan katapat ng bahay nila, ay kinabahan ako sa paraan ng pagkakatingin nila sa akin.

Hindi naman nakakatakot ang itsura nila actually, they looked decent pero I really don't like the way they look at me.

It creeps me out.

"Hi miss!" bati nung isa sa akin nang dumaan ako sa kanila papuntang school.

Tinanguan ko lang siya saka dali-daling naglakad para malagpasan ko ang bahay nila.

Pagkarating ko sa school ay agad akong binati ng mga ka-klase ko dahil sa ako ang Class President.

"Maria, pakihatid nga ito kay Sir Frost." sabi ng adviser namin na tinanguan ko lang.

Kinuha ko naman ang pinabibigay ng adviser namin kay Sir Frost saka nagtungo papuntang Faculty Office.

Ngunit napatigalgal naman ako nang makita ko ang isa sa bago naming kapitbahay na nasa labas ng classroom namin.

Napakurap kurap pa ako nang ngumiti siya nang nakakaloko sa akin.

"May kailangan ka po Kuya?" tanong ko sa kanya pero inilingan niya lang ako.

"Wala, napadaan lang ako." sambit niya kaya medyo kinabahan ako.

Ilang beses iyong naulit kaya halos hindi na ako mapakali.

Gustuhin ko mang mag-kwento kina mama o kina kuya man lang ay natatakot ako.

Baka kasi pagtawanan lang nila ako.

Isang beses nga noong matagalan ako sa pag-uwi dahil sa may tinapos akong project.

Then tinulungan ko pa ang adviser namin sa pag che-check ng test papers ng kaklase ko dahil sa parang haggard na ito sa dami ng kanyang gawain.

Nang maisipan kong i-kwento sa kanya ang mga nararamdaman at nafe-feel ko dun sa bagong lipat naming kapitbahay ay hindi ko na-ituloy.

Nakita ko kasi na dumaan yung isang kapitbahay namin sa classroom.

Hindi ko talaga alam kung bakit sila pinapapasok dito sa school.

Kaya tinanong ko ang adviser namin.

Ang sagot niya naman ay may pinapagawa pala sa kanila ang principal sa may likod ng building ng Senior High School Department.

Inaayos daw yung drainage o parang imburnal.

Hindi ko naman alam kung bakit natatagalan ang mga ito sa pag-aayos eh parang ang dali lang naman ata nun dahil sa ang dami nila.

Halos gabi na kami natapos nun kaya medyo kinabahan ako, buti na nga lang at inihatid ako ng adviser namin pauwi.

Isang beses pa noong biglang nagkaroon ng malaking event ang school namin kaya kailangan kong magparticipate.

Extra-curricular din kasi 'to tapos officer pa ako ng Student Body Organization kaya ginabi na kami sa pag-uwi ng araw na iyon.

Habang pauwi naman ako ay hindi ko alam kung bakit tila ba kinakabahan ako.

Nang papadaan na sana ako sa bahay nung bagong kapitbahay namin ay napatigil ako.

'Ba't walang tao?'

Nagtataka man ay pilit kong binalewala iyon.

Pagkarating ko sa bahay ay agad kong pinihit ang seradura ng pintuan.

Pero halos mayanig naman ang buong mundo ko nang marinig ko ang pinag-uusapan ng mga tao sa loob ng bahay namin.

"Isang gabi lang naman namin siya gagamitin."

"Oo nga, ito na nga oh. Isang milyon kapalit ni Maria. Alam naming gipit kayo sa pera."

"Sige na Aling Pasing, pumayag na nga sina Dodong oh."

"Alangan naman, eh sasali naman kasi rin yan mamaya! Papatusin rin ang sariling kapatid!"

"Pero dapat tayo ang mauna! Malaki ang bayad na'tin eh."

* - * - * - * - *

Hanggang dumating ang isang araw kung kailan nakita na ang katawan ni Maria.

Na siyang ilang araw nang nawawala.

Nasa loob ng isang drum, nakasemento.

Hinulog sa loob ng imburnal ng eskwelahang pinapasukan niya.

Walang awang binaboy.

Walang awang pinatay.

* - * - * - * - *

Hindi naman mapigilan ng adviser ni Maria ang umiyak dahil sa mapait na sinapit ng kanyang estudyante.

Iyon ang inaakala ng lahat.

"Magbabayad kayo. Magbabayad kayong mga hayop kayo. Hinding hindi ko kayo patatahimikin."

Bulong ni Maria habang siya'y nasa loob ng katawan ng kanyang adviser.

ONE SHOTS 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon