Ako Ang May Kasalanan
Nagsisimula na naman siya.
"Irene!" tawag niya sa akin pero binabalewala ko lang siya.
"Irene! Sabing pumunta ka rito eh!" sigaw niya ulit kaya wala akong nagawa kundi ang lumapit sa kanya.
"Ba-bakit?" tanong ko sa kanya.
Nanginginig ang mga kamay dahil sa kaba.
Bigla niya namang hinablot ang buhok ko at ako'y kinaladkad.
Nagsimula nang tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.
Bigla niya akong itinulak kaya't napasalampak ako sa sahig.
Kinagat ko ng mariin ang aking mga labi nang unti-unti na syang lumapit.
Sinampal niya ako ng paulit ulit pero hindi ako lumaban.
Nakita ko namang may iilang butil ng luha ang pumatak galing sa mga mata niyang puno ng poot at galit na nakatingin sa akin.
Laking gulat ko nalang nang ako'y kanyang sakalin.
"Ate" sambit ko, halos hindi na ako makahinga pero hindi pa rin niya ako binibitawan."A-te! Hin-di na ako makahi-nga." bulong ko.
Pero hindi siya naawa, tumawa lang sya na parang demonyo.
"Ate? Bakit kapatid ba kita? Ha?" napapikit naman ako dahil sa kanyang mga sinabi.
Hindi ko siya sinisisi sa kung bakit niya ito ginagawa.
Dahil para sa kanya, ako ang may kasalanan.
Ako ang may kasalanan kung bakit siya nakunan.
Ako ang may kasalanan dahil naghiwalay sila ng kanyang asawa.
Nagsimula ang lahat ng ito
Nang ako'y kanyang nakita
Kasama ang kanyang asawa sa iisang kama
Hubo't hubad, ni walang saplot sa katawan.
Akala ng lahat ay ako ang may kasalanan.
Ngunit lingid sa kanilang kaalaman
Ako lang pala'y pinagsamantalahan.