Birthday Surprise

44 5 1
                                    

"Ano ba! Magmadali na kayo, paparating na si Aisa!" Sigaw ko sa mga kaklase ko dahil sa paparating na si Aisa, isa sa kaklase namin.

Birthday niya kasi at debut pa.

Oh diba? May pa-surprise si Mayora.

"Ayusin niyo ang pagtago nung balloons, mahahalata niya agad." Ani ko na agad namang sinunod ng mga kaklase ko.

We're like family kaya naman kapag may ganitong okasyon ay nagkakaisa kami at nagkakaintindihan.

At saka kung sino ang may pakana ng lahat nito?

Syempre ako.

Nag-act naman kaming lahat na parang walang nangyayari at panay lang sensyasan sa isa't-isa nang pumasok na sa classroom si Aisa.

Huminga naman ako ng malalim at nagsimulang mag-count off.

'Five'

'Four'

'Three'

'Two'

'One'

Napangiti naman ako nang biglang pinasabog ng kaklase ko ang party popper.

"Happy birthday Ais!" Sigaw naming lahat at nakita naman naming nagulat ito.

Napatawa pa kami nang makitang teary eye siya.

Binigay naman sa kanya ni Iannah ang mga balloons.

At lumapit naman si Floreah dala-dala ang cake at nagsimulang kumanta ng 'Happy Birthday Song!'

Tuluyan namang napaiyak si Aisa.

Lumapit naman ako dala-dala ang cam at vinideohan sila.

Napatili naman kaming lahat nang lumapit sa kanya si Paul John (PJ) na may dala-dalang roses.

18 roses iyon mga friend.

"Ahm for you."

'Kyaaaaaaaah!'

Sigaw namin dahil sa ginawa ni PJ.

Mas nagwala pa ang mga kaklase namin nang niyakap siya nito at hinalikan si pisngi.

'Oh my god! Ahm gonna die!'

Napatawa naman kami dahil sa sinabi ni Iannah.

"Wait lang, nasaan si Lovely?" Tanong ko at itinuro naman nila si Lovely na nasa may mesa at busy sa pag-aayos ng projector.

"Woy mga bakla! Ano iyan!" Sigaw ni Aisa kaya napatawa kami.

Nagsimula naman ang video na in-edit namin ni Lovely.

Mga greetings ng iilang close friends niya at family as well.

Mas lalo naman siyang napaluha.

"Woy Aisa! H'wag kang umiyak! Ma-turn off sayo si PJ." Sigaw ko kaya napatawa sila.

Hanggang sa natapos na ang lahat pati na rin ang kainan.

Nagbigayan na kami ng gifts and such.

"Guys super thank you! Sobrang saya ko in fairness. I didn't expected na may ganito kayong pakulo." Natatawang sabi nito.

"Thank you talaga sa inyong lahat. Kay Akire, Lovely, Floreah, Iannah at kay PJ. Super thank you talaga pero guys may gusto akong sabihin sa inyo." Sabi niya kaya tumahimik kaming lahat at itinuon ang buong atensyon sa kanya.

"Hindi ko birthday ngayon, next week pa. Ang eksayted niyo in fairness, akala ko next week niyo pa ako isu-surprise kaya gulat na gulat ako na ngayon niyo na pala gagawin."

Natahimik at nagtinginan naman kaming lahat. Habang ako ay napakagat sa aking mga labi.

Shete! Anong date ba ngayon?

"Bakit? Hindi ba July 27 ngayon?" Sambit ko kaya napalingon silang lahat sa akin.

Unti-unting nanlilisik ang mga mata.

Shete! Takbo mga chickeeenn!

"Akireeeeeeeee!" Napatakbo naman ako palabas ng classroom dahil sa sigaw ng mga kaklase ko.

"Ikaw'ng babae ka! Ikaw ang pasimuno nito eh! Baliw ka talaga!" Rinig kong sigaw ni Iannah.

"May pa-calculations and such ka pa then mali ka naman pala! Humanda ka talaga sa amin!"

Dagdag pa ni Floreah.

"Hoy Akireeeeeeee!"

Naman Papa Jesus!

Tulungan niyo po ako, may wendigo psychosis ang mga baklitang iyon baka kainin nila ako ng buhay kapag maabutan nila ako.

Huhuhuhu.

Kasalanan ko bang mali ang date ng cellphone ko?

Waaaaaaaaah!

ONE SHOTS 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon