Prologue

1.2K 34 3
                                    

Author's note:
         This is a work of fiction. Any names, characters, places and incidents are either the product of the Author's imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments and events is entirely coincidental.

May I repeat, it is just a part of my imagination.

Expect some grammatical errors since this is not yet edited.

_______________

Prologue

"Magbihis ka na!", sigaw sa akin ni papa

"Papa ayaw ko pong pumunta", sagot ko habang umiiyak

Pupunta kasi kami sa isang kilalang bar, hindi ko alam kung ano ang gagawin namin doon. Hindi ko alam kung ano ang pakay ni papa doon. Ayaw ko sa mga lugar na maraming tao at hindi ko kilala.

"Pupunta tayo doon sa ayaw at sa gusto mo", sabi ni papa saka hinatak ako sa aking kwarto "Kapag hindi ka pa nagbihis, malilintikan ka talaga saakin!", sigaw nya at sinarado ang pinto ng kwarto ko.

May magagawa pa ba ako? Si papa nalang ang aking naiiwang kamag-anak. Si mama? ayun sa asawa niya, sa kanyang totoong pamilya. Anak lang kasi ako sa labas.

Pinulot ko nalang ang damit na kulay pula na nakahanda sa kama. Maganda ito ngunit hindi ko gusto ganitong klase ng damit kaya sigurado ako na hindi ito babagay sa akin. Hindi ako sanay na magsuot ng ganitong klase ng damit.

Sigurado bang ito ang susuotin ko? Ang ikli, hanggang hita ko.

"DALIAN MO NA DYAN!!!", sigaw ni papa mula sa ibaba

"Opo, eto na po"

Kahit labag sa aking kaloob-looban ay isinuot ko nalang ang damit. Nagmake-up ng kaunti para hindi ako magmukhang dugyot. Actually hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin namin sa bar. Sinusunod ko lang ang kagustuhan ng aking ama.

Tinignan ko ang aking sarili sa salamin. Ako ba pa to? Ang ikli talaga ng damit at kitang-kita 'yong lumuluwa kong dibdib. Tinakpan ko ito gamit ang aking braso. Ang landi kong tignan, para akong isang prostitute.

May tumulong luha sa aking mga mata. Kahit naiinis ako kay papa, hindi ko kayang suwayin ang kanyang utos, wala na rin akong magagawa. Para akong isang puppet na hinahayaang kontrolin sa kamay ng aking ama.

Habang papasok kami sa bar, nakaramdam ako ng kaba. Nanginginig ang aking kamay. Parang may masamang mangyayari na hinding-hindi ko magugustuhan.

"Dito po Sir" sabi ng bouncer

Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng bar. Nakikita ko ang mga taong nagsasayawan sa gitna. May mga babae rin na kulang nalang ang maghubad dahil sa iksi at manipis na damit. Nahihilo rin ako sa mga ilaw na paiba-iba ng kulay. Ganito pala ang itsura ng bar, first time ko pa kasing pumasok sa ganitong uri na lugar.

Sinunod nalang namin yung bouncer papunta sa itaas. Ito ba yung tinatawag nilang VIP. Yung kita ang dance floor mula sa itaas?

Paakyat pa lang kami ay natanaw ko na ang isang di pamilyar na lalaki. Isang matandang lalaki na sa tingin ko ay nasa 40s. Gusto ko ng umalis. Marami ng konklusyon ang nabubuo sa aking isipan.

"Papa umuwi na tayo, ayaw ko po dito", bulong ko kay papa

Tinignan lang ako ni papa ng masama saka tumingin muli sa matandang lalaki na nakangiti.

The Cold Eyed KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon