prologo

113 1 0
                                    

Luseria, isang mayamang kaharian na pinamumunuan ni Haring Akimes na ama ng nag-iisang prinsesa nito na si Prinsesa Ayesha. Matapat ang hari sa kanyang nasasakupan at hangad nitong palakasin at patatagin pa ang katayuan ng kanyang kaharian.

" Ipinatatawag ka ng iyong ama mahal na Prinsesa. "

" tila yata batid ko na ang paksa kung bakit ako ipinatatawag ng aking ama, Dama Urusan." ani Ayesha habang nakatitig sa kanyang sariling repleksiyon sa antigong salamin.

" Tiyak na uungkatin na naman ni Ama ang tungkol sa pakikipag - isang dibdib ko sa Prinsipe ng kaharian ng Mumbay. Nakakasawa na ang paulit-ulit na pagbanggit ni Ama ng bagay na iyon. Sumasakit lamang ang aking sentido sa tuwing tatalakayin namin ang pakikipag alyansa ng dalawang kaharian." Mula sa harap ng salamin ay tinungo niya ang nakabukas na bintana ng kanyang silid. Mula roon ay tanaw na tanaw ang maberde at malagong mga halaman sa kakahuyan ng Luseria. Bagaman lumaki siya sa loob ng Palasyo at kailanman ay hindi nakatuntong ang kanyang mga paa sa labas ng kaharian, sapat na ang masilayan niya ang nasasakupang kakahuyan ng kanilang kaharian.

Lumapit si Dama Urusan sa Prinsesa at sinuklay - suklay ang mahaba at alon - alon niyang buhok. Taglay ni Ayesha ang katangian ng isang prinsesa. Walang sinuman sa Kaharian ang hihigit sa kanyang angking kagandahan. Kung sa bagay, buong buhay siyang inaral upang maging prinsesa lamang ng kaharian. Mula sa pagkilos, pananamit at maging sa pagsasalita.

" Para sa kabutihan ng buong kaharian ang gawa ng iyong ama, mahal kong prinsesa. Isa pa, ayon sa aking naulinigan ay katangi tangi rin ang Prinsipe ng Mumbay. Napakakisig daw nito at mahusay sa pakikipaglaban. Kailangan ng Luseria ng isang maaasahan na kahalili ng iyong ama sa sandaling kailangan na niyang ipasa ang kanyang trono. Magagawa lamang niyang mapalagay ang loob kung batid niyang mapupunta ang Kaharian sa pinunong katulad ng prinsipe ng Mumbay.

" Batid ko naman iyon, Dama Urusan. Ngunit mali pa rin na si Ama ang magpasya ukol sa kung sino ang dapat na aking makaisang dibdib. Habambuhay na aking makakapiling ang isang estranghero bilang aking kabiyak. Hindi ko kilala at higit pa roon ay hindi ko iniibig."

" Ang mahalaga ay matutulungan mo ang iyong Amang Hari sa kanyang layunin, saka mo na lamang isipin ang tungkol sa pag-ibig, aking Prinsesa."

" Sabihin mo nga Dama Urusan, sapat na ba ang maging alay para sa ikabubuti ng kaharian kahit na habambuhay magluksa ang aking puso ? Buong buhay ko ay inilaan ko sa pagiging isang prinsesa ng Luseria. Hindi ko man lamang nakilala ang salitang kalayaan, maging ang pagkakaroon ng matatawag na mga kaibigan ay hindi ko man lamang naranasan. Minsan nga ay nahiling ko kay Bathala na sana ay hindi na lamang ako ipinanganak na prinsesa o sana'y hindi na lamang ako si Ayesha na anak ng haring Akimes. Sana'y isa lamang akong ordinaryong nilalang na maaring gawin ang aking nais at mahalin kung sino man ang ititibok ng aking puso, hindi ang Ayesha na dinidiktahan lamang ng aking ama." niyakap siya ng Dama habang panay ang hagod sa kanyang likod.

" batid ko ang iyong nararamdaman aking prinsesa. Itinuturing na kitang parang sarili kong anak, simula ng pumanaw ang iyong ina ay ako na ang siyang nagpalaki sa iyo kaya't batid ko kung ano ang pasakit na iyong pinagdaraanan."

" Kung gayon, kaisa kita sa aking hangarin, Dama Urusan ?" tila nabigla ang dama kaya't bumitaw ito sa pagkakayakap sa prinsesa.

" ano ang iyong tinuran mahal kong prinsesa?"

" nais kong lisanin ang Kaharian. Hindi ako makapapayag na maging tau-tauhan lamang ng aking ama. Ako ang magtatakda ng aking kapalaran at walang sinuman ang maaaring magdikta sa akin. "

" Hindi tama ang takasan ang iyong kapalaran Prinsesa Ayesha. Bago ka pa lamang isilang ay nakaguhit na sa iyong palad ang daang iyong tatahakin. Lisanin mo man ang Kaharian ay tiyak na matatagpuan ka pa rin ng mga mandirigma ng Luseria. Ganoon kalaki ang impluwensya ng iyong amang hari." umiling siya at umupo sa dulo ng kanyang higaan.

" mali ka riyan Dama Urusan. Sa aking lugar na patutunguhan ay tiyak na hindi na ako masusundan pa ng kapangyarihan ng aking ama bilang hari."

" ano ang iyong ibig ipakahulugan ? "

" Si Maimot. Ang Diwatang itim na dating tagapatnubay ng Gubat Maimot na kamakailan lamang ay ipinasunog ng aking amang hari."

" ano ?! hindi ko nagugustuhan ang itinutumbok ng iyong salita mahal na prinsesa. Walang nilalang sa buong Luseria ang hindi nakakikilala kay Maimot. Batid mo kung gaano siya katuso."

" Hindi lingid sa aking kaalaman ang tungkol sa bagay na iyan ngunit kailangan kong sumugal. Gayundin naman ang kahahantungan sa sandaling ako'y makasal. Magiging ganap ang aking pagiging tau-tauhan, maano ba naman ang subukan kong salungatin ang aking kapalaran ?"

" hindi ako sang-ayon sa iyong nais prinsesa Ayesha. Lubha itong mapanganib para sa iyo. Ano man ang iyong nais gawin ay nakatitiyak ka na ako'y kaisa mo, ngunit hindi sa bagay na iyan."

" ngayon ko lubos na kailangan ang iyong suporta Dama Urusan."

me and my shining prince (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon