last date

17 0 0
                                    

Humihingal na napabalikwas ng Bangon si Freiya. Is it a dream ? again ? no, it feels so real. When she roam her eyes, she saw Aljubar sleeping beside her bed. Marahan niya itong hinaplos sa mukha upang hindi niya magising. Halata ang pag-aalala sa gwapo nitong mukha. Siguradong nataranta na naman ito sa nangyari sa kanya. Nakalimutan na rin nito marahil ang matulog dahil sa kababantay sa kanya. Dahan-dahan itong dumilat at nagulat nang Makita siyang nakatunghay sa mukha nito

“ Ayesha ?!” bulalas nito. Tuwang tuwa ito nang Makita siya. Tila ba isang taon silang hindi nagkita. Katulad ng dati, mahigpit na yakap ang isinalubong nito sa kanya. Yakap na tila ayaw na nitong mawalay pa siyang muli. Unti-unting tumulo ang kanyang mga luha ng hindi namamalayan.

“ bakit ka umiiyak mahal ko ? masama pa rin ba ang pakiramdam mo ? sandali at tatawagin ko si Punong Igmas. Kailangan kang masuri.” Natatarantang sunod-sunod na wika nito. Pinigilan niya ang kamay nito nang tangkang tatayo.

“ huwag na Jubal, hindi na kailangan.”

“ ha ?”

“wala naman akong sakit. In fact, malakas na malakas ako. Kaya huwag mo na silang abalahin pa.Okay ?”

“pero ang sabi ng manggagamot ay …” umiling si Freiya.

“ just stay here with me. I don’t need anything. Ikaw lang ang kailangan ko, isa lang ang alam kong gamot para bumalik ang lakas ko.”

“ ano iyon ? kahit ano, sabihin mo mahal ko. Hahanapin ko ang anumang makapagpapagaling sa iyo.”

“ hindi mo na kailangang lumayo Jubal, the medicine is already in front of me.” Itinuro niya ang labi nito. Walang dalawang salita na ginawaran siya nito ng pinakamatamis na halik. Ah .. this feels like forever. Paano siya magkakaroon ng lakas ng loob na magpaalam sa lalaking pinakamamahal niya ? Hindi naman niya sinasadya ang umibig dito. Sino ba ang may kagustuhan na mapunta sa isang mundo na hindi ka naman nabibilang at main-love sa ganito kagwapong prinsipe ? Tao lang siya, mahina, nakakaramdam. Nagmamahal.

“ Mabuti na ba ang iyong pakiramdam ?” alalang tanong nito nang maghiwalay ang kanilang mga labi.

“ oo. Ginamot mo na ako e.” natatawang sagot niya.

“ nagagawa mo pa ang magbiro samantalang nalagay na sa peligro ang iyong buhay.” May himig pagtatampo sa tinig nito.

“ Huwag ka na nga mag-alala. Nagising na ako, at kung anuman ang naging pahayag ng manggagamot nalampasan ko na ‘yun. Hindi ba at ang sabi ko sa’yo, siyam ang buhay ko? Sa palagay mo ba ay magpapatalo ako sa kung anumang karamdaman ang darating sa akin ?”

“ salamat kay bathala.” Niyakap siya nitong muli.

“ Nahabag pa rin si Bathala kaya’t pinagbigyan niya ang aking dasal na iligtas ka sa kamatayan. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin kapag nawala ka, mahal ko. Ngayon pa na ang buhay ko ay nakalaan lamang para sa iyo.”

“shhh… Jubal, bukod sa akin ay narito pa ang Mumbay. Sa oras na mawala ako, hindi dapat tumigil ang mundo mo. Kailangan mong magpatuloy ng buhay. Dahil tandaan mo, ikaw na si Prinsipe Aljubar ng Mumbay bago pa man ako dumating sa buhay mo.”

“ Ako nga si Prinsipe Aljubar ng Mumbay, ngunit nang sandaling ikaw ay dumating .. ipinaramdam mo sa akin na hindi lamang ang pagiging prinsipe ang papel ko sa mundong ito kundi bilang isang lalaking marunong magmahal. Mahal na mahal kita, Ayesha. Kahit buhay ko ay ibibigay ko para lamang sa iyo. Ano ang silbi nang lahat ng ito kung ang babaeng pinakamamahal ko ay hindi ko kayang ipaglaban at protektahan ?” sadyang nakakataba ng puso ang mga binitiwan nitong salita. Pakiramdam ni Freiya, lalong nanikip ang kanyang dibdib. Sari-saring emosyon ang nag-uunahang kumawala sa kanyang puso.  This man is too good to be true. Makakahanap pa ba siya ng ganitong lalaki pagbalik sa kanyang mundo ?The answer is No. Why ? because, Aljubar will always be Aljubar. Walang makakapalit dito sa puso niya.

Ito na yata ang lalaking una at huli niyang mamahalin.

“ Jubal ?”

“hmm ?”

“ gusto kong mamasyal. Samahan mo kong libutin ang buong palasyo.”

“ ngunit mahina ka pa, mahal ko. Hindi ka pa nakakabawi ng iyong lakas. Ipagpaliban na muna natin ang iyong nais hanggang sa makaipon ka ng sapat na lakas ng katawan” umiling siya.

“ Gusto kong masilayan ang kaharian na kinalakhan mo. Sa pamamagitan nito, para ko na rin nakita kung paano ka lumaki bilang prinsipe. Ang kapaligiran ng Mumbay, ang mga nilalang nito.Lahat. Gusto kong Makita ang lahat sa iyo Jubal. Nakikiusap ako sa’yo. Please ?”

“ Bakit ba kailangan mong magmadali, nasa atin ang lahat ng oras upang malibot ang kabuuan ng Mumbay. Magiging kaisa ka na rin ng aming kaharian kapag tayo ay nagkaisang dibdib na.”

“ Jubal, iba ang bukas. Iba ang ngayon. Ang mahalaga ay ang ngayon, hindi ang bukas. Hindi natin hawak ang panahon. Maaring bukas o sa makalawa ay wala na akong pagkakataon para makasama kang mamasyal sa kaharian ng  Mumbay. Pagbigyan mo na ko.”

“ Kung magsalita ka ay tila ba mawawala ka na. Ano na naman ba ang tumatakbo sa iyong isipan ? napakahirap talaga hulaan ng itinatakbo ng iyong utak.” Malambing na niyakap niya ito at pagdaka’y  umupo sa kandungan ng prinsipe.

“ Basta ang gusto ko, mag ‘date’ tayo ngayon. Gets mo ?” pabulong na wika niya sa punong taenga nito. Nagkaroon yata ng epekto ang pag flirt niya rito dahil napansin niya ang pagtaas ng balahibo nito sa ginawa niya.

“ napakatigas talaga ng ulo mong Prinsesa ka. Kailan ba ako mananalo sa iyo ?”  Then she wins. They laugh as they hug each other. Ah .. The final Date huh ? So, ito na yung paalaman segment ? whew !

me and my shining prince (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon