exchange princess?

30 0 0
                                    

“ puro ka talaga biro. Pwede bang once in your life e magseryoso ka naman. Hindi ka ba napapagod magpalit-palit ng trabaho ? kelan lang nasesante ka sa pinagtatrabahuan mo tapos nagresign ka naman ngayon.”

“ We only live once in a lifetime , so might as well enjoy it my friend. At isa pa..manyak ‘yung bwisit na boss ko e ! pasalamat nga siya at hindi ko siya pinaulanan ng uppercut. Sampal lang ang inabot niya, aba .. mabait pa ko sa lagay na ‘yon ! “

“ mabait ka pa nun ?”

“ naman ! “ napailing na lamang siya. Her friend seems to be a lost soul. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito sigurado kung ano ang gusto nitong mangyari sa buhay.

“ what if .. “

“ ano na naman ? “ pumaling siya paharap sa kaibigan.

“ what if lang ha ? what if you became a real princess ? would you like it or not ? “

“ No.” walang gatol na sagot niya saka itinuloy ang pagsusuklay ng buhok.

“ Bakit naman ? masarap kayang maging prinsesa. Tignan mo nga si Kate Middleton, masarap ang buhay nun ! “

“ sinong nagsabi , aber ?”

“ hindi natin alam kung ano ang nangyayari sa loob ng palasyo nila. How can we make sure na masarap ang buhay niya ? “ pinandilatan niya ito sa salamin.

“ ewan ko sa’yo ! “ nag make face ito.

“ mas ewan ko sa’yo ! “

“ ganun ?”

“ ganyan.”

" totoo kaya 'yung nabasa ko sa isang libro tungkol sa other world ? iyong ba'ng mundo na nag-eexist sa kabilang dimensiyon ng ating mundo, and there live another us ?" napatigil muli siya sa ginagawa sa harap ng salamin at tumunghay sa repleksiyon ng kaibigan. Prenteng nakapangalumbaba ito sa kama habang hinihintay ang reaksiyon ni Freiya.

" You mean, Parallel world ?" Cheche nodded.

" well, hindi naman sa hindi ako naniniwala. Afterall, nothing is imposible in this world. At isa pa, maraming mga bagay na hindi pangkaraniwan ang nangyayari sa paligid na walang paliwanag kahit ang science. Malay natin." nagkibit balikat siya.

" sana mayaman ako sa kabilang mundo noh ? o kaya naman, isa akong kilalang tao. iyong tipong sinasamba ng lahat. Sa kagandahan, katalinuhan, kaseksihan, kaputian, ka -- .." binato niya rito ang hawak na hair towel bago pa matapos ang sinasabi.

" Ikaw talaga kahit kailan, wala ng laman iyang utak mo kundi kalokohan. Kaya kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko dahil kung anu-ano rin ang ipinapasok mo sa utak ko. kaibigan ba talaga kita ?"

" Bakit may choice kaba ?"

" wala."

“ whatever it is, my friend. Ang mahalaga… umalis ka na at late ka na. “

Awtomatikong napatingin siya sa wallclock na nakasabit sa dingding.

“ OMG ! late na nga ako, kasalanan mo ‘to !“ then she left out.Naiwang tatawa-tawa ang kaibigan.

me and my shining prince (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon