Paalam, minereya

25 0 0
                                    


“ Anong nangyayari ?” kapwa sila napatda ni Aryanna nang mapansin nila na nakatayo sa gilid ng kama si Prinsipe Aljubar.

“ Ano ang ginagawa ng isang Diwani sa kaharian ng Mumbay ? Ayesha .. Anong ibig sabihin nito ?”

“ Aljubar .. Patawarin mo ko, Hindi ako si Ayesha. Nagkataon lang na magkamukha kami. Huwag kang mag-alala, ngayon ay matatapos na ang pagpapanggap ko. Ang tanging pwede ko lang masabi sa ngayon ay, Sorry. ”

“ hindi ko maintindihan. Ano ba ang iyong sinasabi. Bakit ganyan ka magsalita ?”

“ Hindi ako isang Luserian, Jubal. Ang totoo .. nagmula ako sa isang Mundo sa labas ng Minereya. Alam ko na hindi ka maniniwala, pero totoo na mayroong ibang mundo na nag eexist sa kabilang panig ng inyong mundo. Mahirap paniwalaan pero iyon ang totoo. Isang hindi inaasahan pangyayari ang naganap kaya’t napadpad ako sa Minereya. Ang dahilan kung bakit ako kakaiba, sa kilos, sa salita at sa pananamit ay dahil hindi ako nagmula sa mundong ito.” Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hinga bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. Nanatiling nakatitig lamang si Aljubar sa kanya at tila gulong-gulo sa mga naririnig.

“ Nang makilala mo ako sa Liwasang bayan, nang mga sandaling iyon ay hinahanap ko ang daan pabalik sa aming mundo. Napilitan lamang ako na magpanggap bilang ang nawawalang Prinsesa dahil kailangan kong magsurvive sa mundong ito. Nung una, hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari pero nang makausap ko si Aryanna, nalaman ko ang lahat lahat. Patawad .. hindi ko inaasahan na mahuhulog ang loob ko sa’yo at ganun ka rin sakin . Hindi ko sinasadyang ibigin ka.”

Parang wala sa sarili na lumakad ang prinsipe palapit sa kanya. Bawat hakbang nito palapit ay siya namang hakbang niya palayo.

“ Sabihin mong nagbibiro ka lamang katulad na madalas mong gawi. Nagbibiro ka lamang hindi ba ? Hindi ba ?” nanatili siyang nakatitig lamang sa mga mata nito. Words cant come out from her mouth. Para bang bumara ang lahat ng letra sa kanyang lalamunan kaya’t hindi na nito magawang maisaboses ang mga salitang nag-uunahang lumabas sa kanyang bibig.

“Bakit ? Paano mo nagawa ang bagay na ‘yon ? Kung gayon, Sino ka ? Sabihin mo ..”

“ Freiya. Freiya ang tunay kong pangalan. Hindi ko talaga sinasadya Aljubar. Patawarin mo ko.” Naluluhang wika niya.

“ Huwag mong banggitin ang aking pangalan! Wala kang karapatan! Isa kang malaking kasinungalingan!Bakit ? bakit, Freiya ?” Sa kauna-unahang pagkakataon na tinawag siya nito sa kanyang pangalan bilang siya at hindi si ayesha ay nakaramdam siya ng tuwa. Kahit puno ng pait ang pagbigkas nito ay damang-dama niya ang kasiyahan na kinilala na siya nito bilang siya at hindi ang Prinsesa ng Luseria.

“ Bakit kailangan mong magpanggap bilang ibang tao ? bakit kailangan mong ilihim sa akin ang katotohanan. Bakit hinayaan mong mahulog ang loob ko sa iyo gayong batid mo na walang kahahantungan ang lahat ? Bakit ?! bakit ?!” galit na galit nitong sigaw habang panay ang yugyog sa kanyang balikat.

Tanging iyak lamang ang kaya niyang isagot sa mga katanungan ni Aljubar. Bakit nga ba ? iyon din ang tanong nia sa kanyang sarili. Kung may kapangyarihan lamang siya upang pigilan ang pagtibok ng kanyang puso ay ginawa na niya. Nagkataon lamang na mahirap kalaban ang sariling damdamin.

“ Sana ay ipinagtapat mo sa akin ang katotohanan. Di sana ay nakapaghanda ako. Sana ay napigilan ko ang sarili ko na mahalin ka ! Ngayon mo ipagtatapat ang lahat kung kailan baliw na akong nagmamahal sa’yo ? Sa iyong palagay ba ay ganoon lamang kadali ang tanggapin na ang lahat ng pinaniwalaan ko ay pulos lamang pala kasinungalingan ?! Walang kasing sama ang iyong budhi, Freiya. Sabihin mo,” tumitig ito sa kanyang mga mata.

“ ang lahat ba ng namagitan sa atin ay likha lamang ng iyong kasinungalingan, o dahil nasisiyahan ka lamang sa kakaibang hiwaga na iyong nasuungan ?” punong puno ng galit ang mga mata nito.

“ Maniwala ka Jubal. Totoo ang lahat ng mga ipinaramdam ko sa’yo. Walang bahid ng pagpapanggap ang pagmamahal ko sa’yo. Minahal kita sa kabila ng alam ko na walang kahahantungan ang pag-ibig ko. Na isang araw ay magtatapos din sa paghihiwalay ang lahat.  Isa lamang ang nasisiguro ko. Minahal kita ng totoo hindi dahil isa kang prinsipe. Minahal kita dahil ikaw si Aljubar. Ang lalaking nagpadama sa akin kung gaano kasarap umibig.”

Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanyang balikat. Napuno ng luha ang mga mata ng Prinsipe kasabay ng panlulumo.

“ Kung ganoon, Bakit kailangan mong lumisan ? Wala ang prinsesa ng Luseria. Walang nakakaalam kung nasaan siya. Tinanggap ka ng lahat ng nilalang sa mundong ito bilang kanilang natatanging Prinsesa. Bakit kailangan mong putulin ang pagpapanggap mo kung ang lahat ay napapangiti mo ? Manatili ka sa mundong ito. Doon mo lamang mapapatunayan na mahal mo akong tunay.”

“ Hindi ko maaaring gawin ang gusto mo, Jubal. Ang lahat ng pagkakamali ay dapat itama. Gaano man katamis ang gawing pagtanggap sa akin ng buong Minereya, Hindi ko pa rin maitatatwa na hiram lamang ang lahat ng iyon. Mayroong tunay na nagmamay-ari ng mga matatamis na papuri na iyon. Si Ayesha ‘yon.”

“ hindi. Wala akong pakialam kay Ayesha. Hindi ako makapapayag na lisanin mo ang aming mundo. Freiya, hindi ko na kayang mabuhay ng wala ka. Parang awa mo na, nakikiusap ako sa’yo. Manatili ka sa aming mundo, hindi ba’t mahal mo ako ? kaya mo bang mawalay sa akin ?”

Hindi siya nakaimik. Ano nga ba ang dapat niyang isagot sa tanong nito gayong maging siya ay hirap sa naging desisyon.

“ Mahal kita Aljubar. Kaya’t hindi ako makakapayag na ako ang maging dahilan ng pagkawasak ng mundong kinabibilangan mo.” Bago pa tuluyang magbago ang kanyang isip ay humarap siya kay Aryanna at inalis ang pagkakahawak ng kamay sa prinsipe.

“ Aryanna, ngayon na.” without a second thought, ikinumpas ng Diwani ang kamay nito sa hangin at lumitaw ang isang pamilyar na nakasisilaw na liwanag.

Everything was a slow motion for her. While she was disappearing within that light, she saw Aljubar grieving for her. PAulit-ulit nitong tinatawag ang kanyang pangalan. Pangalan na minsa’y minithi niyang itawag sa kanya. Ni minsan ay hindi niya inisip na sa ganito hahantong ang lahat. Kasalanan niya ang mga nangyari ngunit idinamay niya ang isang katulad ng prinsipe.

me and my shining prince (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon