Halos malula siya sa laki ng Bulwagan ng palasyo ng Mumbay. Walang panama rito ang pinag shootingan ng Harry Potter sa sobrang laki.
“ Maligayang pagdating sa aming kaharian, Mahal na Prinsesa.” Namukhaan niya ang matandang lalaki. Ito ang kausap ni Aljubar kanina. Ang Hari ng Mumbay.
“ Isang malaking karangalan na kami ay bisitahin ng nag-iisang Prinsesa ng Luseria.” Humalik ito sa likod ng kanyang palad. Eeew .. gross.
Nakadama siya ng pagkaalangan. Nang mapadako ang tingin niya sa isang bahagi ng Bulwagan, ay nagtama ang kanilang paningin ni Aljubar.
“ Humanda ka’ng Bakulaw ka, talagang hindi pa tayo tapos dahil ngayon pa lang tayo magsisimula.” She mumbles to herself.
“ Sana’y ipinabatid mo sa amin ang iyong pagdating nang sa ganoon ay kami ay nakapaghanda.” Nakangiting wika muli ng Hari.
“ No thanks.” Aniya. “ Masyado nang mainit ang naging pagbati sa akin ng inyong prinsipe. Hindi ba, Prinsipe Aljubar ?” pinandilatan niya ito ng mata. The hell with this man ! parang walang narinig ang tinamaan ng magaling na lalaki. Akala siguro nito ay matatakot siya sa talim ng titig nito. Kung nakamamatay nga lang ang tingin, malamang na ilang ulit na siyang namatay.
“ Ngayon ko lamang nakadaupang palad ang Prinsesa ng Luseria. Tunay nga na ang iyong ganda ay hindi matatawaran.” Namula yata siya sa papuri ng hari. This place became more interesting. Akalain mo, dumarami ang kanyang fans ? Baka magpasalamat pa si Ayesha sa kanya kapag nakabalik na ito dahil mayroon na itong sariling Fans Club.
“ Hindi naman masyado, mahal na Hari. Slight lang.” hinimas pa niya ang namumulang pisngi. Narinig niya ang tila pigil na pagtawa ni Aljubar. Tinapunan niya ito ng isang masamang tingin. Tila balewala lamang naman ito sa Prinsipe.
“ Ikaw din, mahal na hari. Mas di hamak na mukha ka pang bata kung ikukumpara sa Prinsipe. Hindi ba Dama Urusan ?”
“ Ha ? a .. e .. “ hindi naman malaman ng dama kung ano ang isasagot.
“ Mahusay ka pala sa pagbibiro, Mahal na Prinsesa ? halatang bihasa ka sa pagsisinungaling.”
“ Ano ang ibig mo ipakahulugan Aljubar, na ako’y tumatanda na ?” singit ng Hari.
“ Hindi ganoon ang ibig ko ipakahulugan mahal na hari.”
“ anong hindi ?! ikaw talaga Jubal masyado kang defensive e. Dapat sa’yo nagrerelax.” Lumapit siya sa Prinsipe at ginalaw galaw ang pisngi nito.
“ I-relax mo nga ‘yang muscle sa mukha mo. Sayang naman, cute ka pa naman sana. Hindi mo ba alam na isa sa nagiging mabilis na pagkulubot ng mukha ay ang madalas na pagsimangot ? Chillax man !”
“ Hindi Jubal ang aking pangalan. Itigil mo nga ang pagtawag sa akin ng kung anu-ano ! “ mahina nginit madiin na wika nito.
“ Ang haba naman kasi ng Aljubar. Mas bagay sa’yo ang Jubal. Hindi pa mangangawit ang panga ko sa pagtawag ng mahaba mong pangalan. Tipid pa sa laway. What do you think ?” lalong tila tumalim ang tingin na ipinukol nito sa kanya. Aljubar .. Aljubar .. para ka lang naman palang Aso na bahag ang buntot kapag nakaharap ang tatay mo. Kawawang Prinsipe.
Bago pa man nito magawang tanggalin ang kamay niya sa mukha nito ay maagap na siyang lumayo. Isang matangkad na lalaki ang lumapit habang pumapalakpak sa galak. Hawig ito ni Aljubar. Ngunit may kakaiba lamang charm ang Bakulaw kaya’t magkaiba ang kanilang dating. Isa pa, kulay Asul ang mga mata nito taliwas sa kulay abo na kulay ng mata ni Aljubar.
“ Tila yata nakahanap ng katapat ang aking kapatid.” Lumapit ito sa kanya at tulad ng hari, humalik din ito sa likod ng kanyang palad.
“ Ako nga pala si Ramsid. Ngunit maari mo ako tawagin na Ram upang huwag mangawit ang iyong panga.” Kapwa sila natawa sa tinuran nito. Nagkaroon din siya ng makakasundo. May sense of humor ang panganay na anak ng Hari. Hindi katulad ng pangalawa na madamot sa ngiti.
“ Ako si Fre—I mean, Ayesha.” Muntik na siyang madulas. Dapat ay sanayin na niya ang kanyang sarili na gamitin ang pangalan ni Ayesha sa lugar na iyon. Mali, sa mundong iyon.
“ Ikinagagalak ko na makilala ang isang napakagandang prinsesa.”
“ Mukhang magkakasundo tayo Prinsipe Ram. Marunong ka magsabi ng totoo. “ Saka siya bumanat ng mabining tawa. Nakita niyang napanguso si Aljubar. Mamatay ka sa inggit ! bwaha-ha-ha
“ Ngayon lamang ako nakatagpo ng isang palabang Prinsesa. Sana’y magkaroon tayo ng pagkakataon na magkasama g matagal, tila marami sa ang pagkakatulad n gating mga hilig. Tama ba , Prinsesa Ayesha ?” mapanuksong sagot naman nito. Ah .. kung ganito ba kagagandang lalaki ang mga Prinsipe sa Mundong iyon, malamang na maging Masaya ang bawat oras na ilalagi niya roon. Maliban sa Prinsipeng asungot na si Aljubar na noong ipanganak, imbes na umiyak ay inismiran lang ang nagpaanak dito. A total Jerk.
“ Hamo’t sa oras na ako ay hindi na gaanong abala, personal kitang ililibot sa aming kaharian.” Natuwa siya sa sinabi nito. Isang magandang oportunidad na malibot ang magagandang spot sa Mumbay. Hindi na kasi siya nagkaroon ng chance na ma- appreciate ang kapaligiran dahil wala siyang ibang ginawa kundi tumakbo at magtago.
“ Promise yan ah ? Wala ng bawian.” Sunod-sunod ang naging pagtango nito.
“ Pinky swear ? “ iniabot niya ang kanyang hinliliit. Ngunit bago pa man mag-abot ang kanilang kamay ay tinabig na ni Aljubar ang kamay ng kapatid.
BINABASA MO ANG
me and my shining prince (book 1)
Roman d'amourWith a sudden twist of fate,Napadpad si Freiya sa isang mistikong mundo. Habang abala sa pag-iisip kung paano at bakit siya nakarating doon ay nakilala niya si Prinsipe Aljubar. Dumagdag pa na napagkamalan siyang prinsesa ng Luseria na nakatakdang m...