Minereya

39 0 0
                                    

Welcome to Minereya !

Magsisimula na po ang adventure ng ating bida ..

Pls read and support my story. Like and share also guys para mabuo ko ang book series na'to.

Don't plagiarize... Nka2matay po un !

****

Nagising si Freiya na masakit ang buong katawan. Para bang tumakbo siya ng isang buong araw sa Track n’ Field oval ng Marikina Sports Center. Nanunuyo ang kanyang lalamunan at pagod na pagod ang kanyang pakiramdam.

Ikinurap kurap niya ang mga mata at paulit – ulit na kinusot.

Where the hell she is ? kanina lamang ay naglalakad siya sa kahabaan ng Edsa papasok sa trabaho, ngayon ay narito na siya sa isang lugar na napalilibutan ng mga bulaklak .

 She started to roam her eyes and noticed how magnificent the place is. Nakaupo siya sa isang Maberdeng damo habang mahinay na sumasabay ang mga bulaklak sa simoy ng hangin.

Nakakapagtaka ..

 She encountered a very strong wind awhile ago. Actually, hindi na nga matatawag na wind iyon dahil parang ipo-ipo. Iyon marahil ang dahilan kaya siya napadpad sa lugar na iyon.

“ Grabe naman ang lakas ng ipo – ipo na ‘yon ! parang dinala na yata ako palabas ng Pilipinas.” Tumayo siya at pinagpag ang mga bahagi ng katawan na nadumihan. Kinapitan na ng mga damo at tuyong dahon ang buhok at suot niya.

“ Siguradong sasabunin na naman ako ng Boss kong kalbo dahil sobrang late na’ko. Kung bakit ba naman kasi ngayon pa sumama ang panahon e.”

Dinampot ni Freiya ang bag pack at bahagyang pinagpag. Then she picked her cellphone. With her dismay, wala man lamang kahit na isang bar ng signal sa kinaroroonan niya.

"‘pag minamalas ka nga naman talaga … “ impit pa siyang tumili. Sinubukan niyang lumakad at baka sakaling makahanap siya ng signal habang panay ang taas sa cellphone ngunit may dalawang kilometro na yata ang kanyang nalalakad ay wala.

“ ano ba naman klaseng lugar ‘to ? Nasa Pilipinas pa ba ‘ko ? kainis !” She went through a green forest. Bagaman nagkalat ang nagtatayugang mga punong kahoy ay kapansin pansin pa rin ang kagandahan ng paligid. Ito ang tipo ng lugar na pwedeng gawin shooting location sa isang fantasy movie. Kung hindi lang siya nagmamadali ay i-eexplore niya ang lugar. Ang kaso, pihadong sesesantehin siya ng kanyang Chief Editor  kapag hindi nito nakita ni anino niya.

 She walked and walked and walked until she reached the end point. Isang matarik na bangin. Mula sa kinaroroonan niya ay tanaw na tanaw ang isang Kastilyong sa telebisyon lang niya nakikita. Sa ibabang bahagi ng kastilyo ay ang mga sinaunang bahay.

“ Wow ! parang Hollywood, astig !!! “ she mouthed with excitement. Minsan lamang sa buhay niya makakakita siya ng ganoon kagandang lugar. Tiyak na mayroon pwedeng mapagtanungan  kung saan ang pinakamalapit na sakayan.

Kung nagulat si Freiya nang Makita ang lugar, lalo niyang ikinagulat ang kakaibang suot ng mga tao sa bayan na iyon. Mistulang shooting ng fantaserye dahil Full attire sa costume ang bawat taong naroon. Nagtitingkaran ang kulay ng mga damit na may hawig sa favorite disney character niya na Aladdin and Jasmine. At Para bang normal na sa kanila ang pagdadala ng mga kasuotan.

“ Ang gara naman dito. Sobrang Cool …”

Saglit pa niyang inilibot ang paningin upang hanapin kung sino ang director sa pelikulang iyon dahil tiyak na kung sino man ang sisigaw ng cut ay iyon na ‘yon. But thirty minutes had past, nangawit na nga yata siya sa kahahanap ng director pero wala pa ring nagbibigay ng senyales para tumigil sa pag-arte ang mga naroon.

“ Baka INDI FILM.” Nilapitan niya ang babaeng Tindera ng tela.

“ Miss, pwedeng magtanong ?” Hinawi niya ang ilang hibla ng kanyang buhok na kumawala sa pagkakatali. Then then girl stares at her blankly.

“ ahm .. Saan ba ang sakayan pabalik ng Edsa? Medyo naliligaw na kasi ko e.” with that, kumunot ang noo ng babae.

“ Ano ang iyong winika ? “

"Ano daw?"

Napakamot na lang siya sa ulo

“ Ang sabi ko … Paano ko makakapunta ng Maynila ? Naligaw na kasi ako. Kanina pa ako palakad lakad pero wala yatang taxi rito o kahit jeep man lang. Baka pwede mong ituro sa’kin kung saan may pinakamalapit na terminal ? O kaya MRT ” Lalong lumalim ang kunot sa noo ng babae.

“ Ngayon ko lamang narinig ang lugar na iyong binaggit, binibini.” Tinitigan siya nitong mabuti bago muling nagsalita.

“ Ikaw ba ay isang dayuhan ? Kung nagmula ka sa ibang kaharian ay tiyak nga na ikaw ay maliligaw. Lubhang napakalaki ng Mumbay upang  mahanap ang lugar na iyong patutunguhan.”

“ pwedeng pakiulit ? “ naguguluhan na siya. Is this girl still acting ? kung umaarte ito ay pwede nang gawaran ng Star Awards. Pang FAMAS e. Natural na natural ang acting. Walang effort.

“ Ano kamo ? Nasan ako,Miss ? “

“ narito ka sa kaharian ng Mumbay. Kung nais mo na malaman ang daan patungo sa iyong paroroonan, Magtungo ka sa Liwasang Bayan.” Anito saka itinuro ang daan. “ Hanapin mo ang Punong Karote. Siya ang punong kawal ng Mumbay na eksperto sa labasan at pasukan sa Kaharian. Maari ka niyang matulungan. Ngunit mag-ingat ka sapagkat kung ikaw ay isang dayuhan, maari kang dakpin ng mga kawal ng palasyo.“ parang lalo yata siyang naguluhan.

Nasaan na nga ba siya ?

*****

continue reading guyz to the next part dahil sinadya ko talagang bitinin ang bawat part ng story.

Comment and suggestions are welcome. No violent reactions pls ..

Like and share po, tnx

Until the next part.

me and my shining prince (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon