till we meet again.

26 0 0
                                    

"Freiya, mabuti naman at nagpakita ka na dito sa office. Magaling ka na ba ?” salubong ng isa sa mga officemates niya. Nang makabawi na siya sa kalungkutan hatid ng pagbalik sa kanyang mundo ay agad niyang tinawagan ang Boss. Mabait pa rin ang Diyos dahil pinagpala siyang tanggapin pa nito at payagang muling magpatuloy sa trabaho. Siyempre pa, hindi nawala ang tila armalite na bunganga nito sa kasesermon sa kanya.

“ oo. Okey na ko. Infact, heto nga may regalo ko kay boss.” Iwinasiwas niya sa hangin ang dalang manuscript.

“ naku, sana ay maapprove para naman good mood ang isang iyon.”

Ilang araw na ang lumipas simula ng makabalik siya. When she finally pulled herself up, the first thing she does ay ang harapin ang kanyang life support. Her laptop. Punong puno ng idea ang kanyang utak. Lahat ng kanyang nararamdaman ay ibinuhos niya sa kanyang nobela which was inspired by what was happen to her back to that world. Maaring napaka-fictional ng kanyang story pero ito lamang ang tanging paraan na naisip niya na maari niyang mailabas ang kung anumang nangyari sa kanya, in a sense na hindi iisipin ng mga tao na nasisiraan na siya ng bait.

“ well, I hope so. Sige, pasok na muna ako sa office ni Boss.” She winked at her.

“ What do you think, Sir Randy ?” kinakabahan siya sa pwedeng maging opinion nito sa kanyang nobela. It was the first time that she ever write a story like that. Pulos ordinaryong love story lang kasi ang naisusulat niya kaya’t kung mamalasin ‘pag minsan ay narereject iyon. This time, she really wish that her story will be able to make it. Kapag nareject ito, para na rin nareject ang kanyang buhay pag-ibig.

“ This is something.” Anito habang kampanteng nakaupo sa swivel chair at hawak hawak ang binabasang synopsis niya.

“ What do you mean. Sir ?”

“ Hindi ko alam na may talent ka pala sa pagsulat ng mga fictional love story Freiya? This is good.” He said while modding his head tanda marahil na nakuntento na ito sa gawa niya. Binaha ng relief ang kanyang puso.

“ A – e .. iyan lang po ang naisip kong paraan para makabawi ako sa sakit ng ulo na inabot niyo nang magleave of absence ako. Don’t worry, Sir. I’ll try to make it up to you. Doble ang effort na gagawin ko ngayon para naman hindi niyo sabihin na hindi ko naapreciate ang consideration niyo.”

“ well, that’s good to hear. Mabuti naman at alam mo na malaking perwisyo ang dinala mo sa akin, in the past few weeks. At least, you showed me a good result. I’m satisfied. But ..”

“ But ? ..”

“ Pakiramdam ko ay bitin ang ending ng story na ‘to. It was all a dream ? pwede mo pang paglaruan ang story, Freiya. Think about it. Pwedeng nagkatuluyan sila in a very different way. Lagyan mo ng twist. Writer ka, I know you know what I mean, right ?”

“ Yes, sir.” Ibinalik nito sa kanya ang manuscript.

Nagkakagulo ang mga co-writers niya ng lumabas siya sa opisina ng editor in chief. Hinarang niya ang isa na akmang tatakbo papunta sa pintuan ng opisina.

“ What was happening, Liza ? Saan ka pupunta bakit nagmamadali ka, saka nasaan na ang mga tao rito ?”

“ may hunk daw sa lobby. May hinahanap. Nakikiusyoso sa labas ang iba. Papaiwan ba naman ako ? let’s go !” hinila siya nito palabas. Naabutan nilang parang mga teenager na nakasilip ang ibang co-writer niyang babae sa gilid ng pader malapit sa lobby.

Suddenly, she felt a strong feeling of wanting to see that guy’s face para pagkaguluhan ng mga kababaihan. Napangiti siya sa tumakbo sa isip. Kung si Aljubar pa kaya ang makikita ng mga ito ay baka parang sinilihan ang mga pang-upo. Parang droga pa naman ang prinsipeng iyon. Isang kindat lang, malamang na makalaglag Panty at makaikot Bra na. Kung bakit naman kasi napakawalanghiya ng Kupido na ‘yon. Nalasing yata at naligaw kaya sa ibang mundo tumama ang pana para sa soulmate niya. Kung makikita lang niya ang pasaway na Kupido na ‘yon, makakatikim ng batok sa kanya iyon.

me and my shining prince (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon