Requim

22 0 0
                                    

Kabanata 3

Lakad takbo ang kanilang ginawa. Nang matiyak marahil niya na ligtas na sila ay saka lamang sila huminto. Kapwa nila habol ang paghinga.

“ Maraming salamat “ anang bata.

“ Para saan ?”

“ sa pagligtas mo sa akin. Kung hindi ka dumating ay maaring ipinakulong na ako ni Prinsipe Aljubar sa piitang bayan.”

“ What ?! seryoso ka ? “ minasdan siyang mabuti ng bata.

“ oo, hindi ako maaaring makulong doon. Tiyak na mag-aalala ang aking ina. Kaya’t tatanawin ko na isang utang na loob ang pagligtas mo sa akin.” hindi siya umimik.

“ Wait lang ha ? Magkalinawan lang nga tayo. Kaya ako nakialam kanina ay dahil ang akala ko, ikaw ang dehado. Na ikaw ang ninanakawan ng prinsipe Bakulaw na ‘yon. Which turns out to be the opposite. Tutal, pareho tayong nakatakas ng safe, mas mabuti pa magkanya-kanya na tayo. Baka madamay pa ko sa’yo.”

“ Patawad kung nadamay ka sa aking maling gawa. Wala na kasi akong ibang paraan na maisip upang matulungan ang aking ina. Nakaratay kasi ang aking ama kaya’t wala siyang katuwang sa buhay ngayon.”

“ Hay naku, bata. Lumang style na ng mga sindikato ang mga ganyang alibi. Mas mabuti pa, umuwi ka na sa inyo at nang maituloy ko na ang paghahanap ng daan pauwi sa amin.”

“ Saan ka ba patungo ? baka matulungan kita. Ako nga pala si Requim. Ikaw, ano ang iyong pangalan ?”

“ Freiya. Ate Freiya nalang ang itawag mo sa’kin. Teka nga muna ha, buong araw na kong paikot – ikot sa lugar na ‘to, hindi ko pa rin alam kung nasaan ako at kung paano ako nakapunta rito. Sabihin mo nga sa’kin, may kilala ka ba kung sino ang pwedeng magturo sa’kin ng daan pabalik ng Maynila ? “

“ Maynila ? Ako man ay ngayon ko lamang narinig ang lugar na iyon. Tunay nga na ikaw ay isang banyaga. Ngayon lamang ako nakakita ng banyaga.”

“ Banyaga ka riyan ! Batukan kaya kita ? Mukha ba kong foreigner, ano may kilala ka ba ?” saglit na nag-isip ang bata.

“ halika ! Pumaroon tayo sa aming dampa. Maaring may alam sina ama at ina sa lugar na iyong pinanggalingan. Baka maituro nila sa iyo kung paano makabalik doon.”

****

I'm sure hindi nakakaligtas sa mata niyo ang mga mali2ng typo at gramatical error. Palusutin niyo na mga kabayan, tayu-tayo lng nmn nakakabasa saka wLA nmn bayad libre lang

.ahekzs

+beautiful eyes+

Paki-share nalNg po sa friends nio (parang awa nio na) #hala kelangan tLGa may ganun ?

O xa, update na naten ung next part.

Continue reading lang po, tnx

me and my shining prince (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon