Mula sa hagdan pababa sa kabilang bahagi ng bulwagan ay narinig ni Freiya ang usapan ng mga dama tungkol sa isang estrangherong kilala sa lihim na pakikidigma sa mga pangahas na taong labas mula sa kung saan-saang kaharian.
" Nabalitaan mo na ba na muling nakadakip ng mga taong labas 'Ang mandaragit' ?" anang isang dama na may kapayatan habang panay ang punas sa ilang larawan na nakasabit sa dingding.
" Aba, ay oo, Ayon nga sa aking Ayong ay talaga naman na napakahusay at maasahan itong si Mandaragit. Hindi nakakapagtaka na marami siyang natutulungan dito sa Mumbay."
" Ngunit nakakapagtaka naman na ni isa man lamang sa mga Mumbayi ay walang nakakakita sa itsura ng Mandaragit na iyon. Ano kaya ang kanyang itsura ? Malamang ay napakagandang lalaki nito at matipuno ang katawan sapagkat sanay sa pakikipaglaban." kinikilig na wika naman ng isa.
" Sino ang sinasabi ninyong mandaragit ?"
napabalikwas ang tatlong dama nang magsalita si Freiya. Agad itong nagsiyukod nang makilala siya. Iba rin pala ang nagagawa ng katauhan ng pagiging prinsesa ng Luseria. Agaw Atensiyon.
" patawad, mahal na Prinsesa. Hindi namin hangad na lumikha ng ingay."
Marahang iwinasiwas niya ang kamay upang pakalmahin ang mga ito. Mukha kasing bibitayin ang mga itsura habang kandabali ang leeg sa pagyukod sa kanyang harapan.
" 'wag kayong mag-alala. Sa atin-atin lang ito." Saka siya lumapit sa at nakisali sa tsismisan.
Doon niya nalaman na ang tinutukoy nitong Mandaragit ay ang Mumbay version ng Robinhood. Ang kaibahan lang, hindi ito magnanakaw kundi defender of the world ang drama. Sa hinuha niya, ayon na rin sa description ng mga dama ay nahahawig ito sa lalaking nakita at ginamot niya sa gubat noong una siyang mapadpad sa Mumbay.
The hunter with charcoal eyes na may hawig sa mga mata ni Aljubar. Kung hindi nga lamang nakilala niya na may kagaspangan ang ugali ng huli ay baka isipin niya na ang Mandaragit at si Aljubar ay iisa. Ang kaso, mukhang kahit sa panaginip ay hindi magiging'NICE' ang Prinsipeng iyon.
Fine. Maganda ang built ng katawan nito at mukhang sanay sa pakikipaglaban.Pero siguradong nauubos lang ang oras nito sa pag-iikot sa liwasan ng Mumbay. napailing siya ng ma-visualize ang histura nito habang nakasalikop ang mga braso na nagmamasid sa mga mamamayan sa Liwasang bayan.
" Bakit hindi nagpapakilala ang mandaragit sa hari ? Ayaw ba niyang mapuri o maparangalan para mabigyan ng Heroes award ?"
" naku, mahal na Prinsesa. Lubhang ipinagbabawal ang pakikialam ng mga mamamayan sa kaligtasan at pagpapanatili ng katahimikan sa aming kaharian."
" bakit naman ? Ano 'to .. Make peace, no war ? hindi ba't dapat ay makipagtulungan pa nga ang mga kawal sa kanya dahil mukhang kahit mag-isa siyang kumikilos ay nagagawa niyang mahuli ang mga Bandido ?"
" tama po kayo, prinsesa. Ang kaso ay hindi ito pinahihintulutan. Ang lahat ng mandirigma sa kaharian ay kailangang dumaan sa isang masusing pagsasanay bago maging isang ganap na kawal. At sa sandaling makapasa ang isang Mumbayi sa pagsasanay, doon lamang siya magkakaroon ng pagkakataon na mapangalagaan ang hari at ang buong palasyo laban sa mga masasama."
" Ang OA naman. parang PMA lang. Kelangan munang dumaan sa pagsubok. ganoon ba kalampa ang mga prinsipe para kailanganin pa ang tulong ng mga mandirigmang kawal ? Hindi ba nila kayang protektahan ang kanilang sarili ?" naiiritang ani Freiya.
" Ang batas ay batas." Mula sa kung saan ay sumulpot na naman ang kabuteng prinsipe.
BINABASA MO ANG
me and my shining prince (book 1)
RomanceWith a sudden twist of fate,Napadpad si Freiya sa isang mistikong mundo. Habang abala sa pag-iisip kung paano at bakit siya nakarating doon ay nakilala niya si Prinsipe Aljubar. Dumagdag pa na napagkamalan siyang prinsesa ng Luseria na nakatakdang m...