pagtitipon part 2

24 0 0
                                    

Nagkakatipon na ang mga panauhin at mga maharlika sa Bulwagan kung saan gaganapin ang kasiyahan. Naroon din ang Hari ng Luseria habang abala sa pakikipaghuntahan sa Hari ng Mumbay.

“ kay tagal naman ng babaeng iyon.” Naiinip na wika ni Aljubar sa sarili. Ilang oras na ang lumipas nang magsimula ang kasiyahan ngunit hindi pa rin ito nagpapakita sa Bulwagan.

Tinapik siya ni Prinsipe Ramsid.

“ Hindi ko pa napapansin ang iyong Prinsesa kasama ng kanyang dama, aking kapatid.”

“ tila yata hindi ang pagdating ng aking Prinsesa ang iyong inaabangan kundi ang maganda niyang dama. Tama ba ako, kapatid ko ?”

“ Bakit ko naman hihintayin ang kanyang pagdating samantalang naglipana ang naggagandahang dilag ng Mumbay at ibang kaharian sa Bulwagan?”

“Tunay nga ba, prinsipe Ramsid ? Mukhang hindi na ubra ang matatamis mong salita kahit sa isang dama. Humihina na yata ang iyong karisma ?”

“ Nagpapakipot lamang ang isang iyon. Makikita mo at mahuhulog din sa aking mga kamay ang mailap na dama na iyon.” Nailing na sinang-ayunan na lamang niya ang kapatid. Maaring naggagalaiti ito sapagkat isang dama lamang ang nakapagparanas dito na matanggihan. Pakiramdam siguro nito ay natapakan ng babae ang pagkalalaki.

“ Ano na nga pala ang nangyari sa pagsisiyasat ukol sa Espiya ng Palasyo ? Hindi makabubuti na malayang nakalalabas pasok sa ating kaharian ang taksil na iyon. Hindi ko mapapalampas ang muntik ng pagkalagay sa bingit ng kamatayan ni Ayesha. Kailangang mahuli ang espiyang iyon.” Aniya.

“ huwag kang mag-alala. Patuloy ang aking pagsisiyasat. Sa lalong madaling panahon ay matatagpuan ang espiyang iyon. Ako mismo ang magpaparusa sa kanya. Hindi mapapatawad ang kanyang ginawa.”

Kapwa sila nagtaka ni Prinsipe Ramsid nang biglang tumahimik sa loob ng Bulwagan. Sa iisang direksyon lamang nakatuon ang pansin ng mga panauhin. Nang lingunin niya ay naroon ang kanyang prinsesa.

Nakakasilaw ang angkin nitong ganda. Walang sinuman sa mga naroon ang makapapantay sa taglay nitong kinang ng mga sandaling iyon. Hindi lamang miminsan niyang natitigan ang mukhang iyon ni Ayesha. Ngunit bukod sa taglay nitong kagandahan, ang kakaibang katangian at sigla ng ugali nito ang nakapagpalambot sa nagyeyelo niyang puso. Kung mamasdan ang hitsura nito ay makikita ang isang tipikal na prinsesa na lumaki sa isang marangyang kapaligiran, ngunit sino ang mag aakala na ito rin ang kauna-unahang babae na walang takot na nakipagmatigasan sa kanya ? Ang babaeng katumbas yata ng tatlong lalaki sa lakas kumain, masahol pa sa isang kawal na sinusuong ang isang panganib kahit na malagay ang sariling buhay sa panganib. Ang parehong babae na hindi nagdalawang isip tumulong sa nangangailangan sabihin man na siya ay bihag nito.

Sa pagkakataong iyon, hindi isang prinsesa ang pagkakakilala niya rito kundi ito ay minahal niya sa kasimplehan na ito si Ayesha na natutuhan niyang intindihin at mahalin sa kabila ng pagiging kakaiba ng hilig nito at kung anu-ano ang lumalabas sa bibig.

Nakita niyang lumapit ang dalawang hari kay Ayesha. Halatang halata ang pagmamalaki sa mukha ng Hari ng Luseria. Niyakap ito ni Ayesha at pagdakay ginawaran ng halik sa pisngi.

Hindi na siya nakatiis kaya’t nilapitan na ito.

“ Bakit ngayon lamang ang aking prinsesa ?” nakangiting humalik ito sa kanyang labi. Na siyang ikinagulat ng mga hari.

“ Para ‘yan sa paghihintay mo sa’kin. Bati na tayo, okay ?”

“ Okay.” Natatawang wika niya. She never failed to amuse him.

“ Tila yata malaki ang naging impluwensya sa iyo ng mahal na Prinsesa Ayesha, Aljubar. Napansin ko ang kakaibang ngiti sa iyong mga labi nitong mga nakaraang araw. Maging ang labis mong pag –aalala nang malagay sa panganib ang kanyang buhay.” Tukso ng kanyang Amang hari.

“ Hindi ako nagkamali sa aking pakikipagkasundo sa iyong ama, Aljubar. Nawa’y iyong pakaalagaan ang aking nag-iisang anak. Ito ay pakiusap hindi bilang isang hari kundi bilang ama ni Ayesha.” Kinamayan pa siya ng hari. Malinaw na itinalaga na siya nito bilang magiging kabiyak ng anak.

“ Alisin ninyo ang alalahanin sa inyong isipan. Pinapangako ko na pakamamahalin ko si Ayesha at iingatan kahit buhay ko pa ang maging kapalit.” Nakuntento na ito sa kanyang tinuran.

“ hey ! Ipinaaalala ko lang na nandito lang ang pinag-uusapan niyo. Baka naman gusto niyo ko isali sa usapan ?”

“ tila kailan lang ay batang paslit pa lamang ang aking prinsesa, ngunit masdan mo Prinsipe Aljubar ngayon ay isang ganap na siyang dalaga at hindi maglalaon ay magiging Reyna ng kaharian ng Luseria. Dumako na ako sa dapithapon ng aking buhay. At bago man lamang sana pumikit ang aking mga mata ay masilayan ko ang inyong mga magiging supling.”

“ Tama ka mahal na hari, isang natatangi at nag-iisang Reyna sa aking puso.” Hinakab niya si Ayesha sa baywang at masuyong ginawaran ng halik sa pisngi. Napuno ng tawanan ang buong bulwagan.

" hala ! mga supling kaagad ? hindi pa nga ikinakasal, may kasunod nang plano. Hanep din sa advance ang utak niyo ! level up !"

" huwag ka nang magsalita mahal ko, baka sumakit lamang ang ulo ng iyong amang hari sa mga binibitiwan mong kataga. Makuntento ka na lamang na nakikinig dahil hindi maglalaon ay mangyayari din naman ang nais niya. Hindi ba ?"

"ewan ko sa'yo. Makipag usap ka sa ingro ko ! hmp !" sa tinuran nyang iyon ay humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang baywang. At bahagyang pinisil ang kanyang palad. " Aba't lokong 'to, balak pa yata akong gawing inahing baboy ? kunsabagay, sa gandang lalaki mong yan, kahit maghapon magdamag tayo nakakulong sa kwarto e game ako !" ipinilig niya ang ulo. nagiging bastos na ang itinatakbo ng kanyang isip. Kinailangan pa niyang ilang beses ipilig ang ulo bago lumagay sa normal ang takbo ng kanyang utak.

Nagkakatuwaan ang mga panauhin sa Bulwagan ng Mumbay, iba’t ibang kahusayan ang ipinamalas ng bawat kababaihan sa palasyo. Maging si Freiya ay hindi maiwasan ang humanga sa mga ito. Merong tumugtog ng mga instrument na hindi niya alam ang tawag at mayroong nagsayaw ng mga makalumang sayaw. Parang isang malaking talent show ang gabing iyon.

“Akalain mo ‘yun, parang Pilipinas Got talent lang ?”

“ may sinabi ka mahal na Prinsesa?” si Altheya iyon. Nakatayo ito sa tabi ng kanyang luklukan.

“ ah .. wala. Ang sabi ko, magagaling silang lahat.”

“ Di hamak na mas mahusay ang prinsesa sa mga kababaihang iyan. Walang hindi kayang gawin ang prinsesa ng Luseria.” Nakangiting wika nito. Ewan ba niya ngunit tila bigla siyang kinabahan.

“ Ganun ? anong ibig mong sabihin, Altheya ?”

“ Kaugalian sa bawat kaharian na magpakitang husay ang mga kababaihan sa araw ng pagtitipon ngunit ang pinaka aabangan ng lahat ay ang pagpapakita ng kahusayan ng isang prinsesa.”

“ what ?!” bulalas niya.

“ Parang sample, sample sa SHOWTIME ? oh my gosh ..”

“ ha ?”

Napakamot siya sa batok. Ano ang ipang sa-sample niya roon? Ni hindi siya marunong kumanta dahil kahit na anong hilig niya sa pagkanta, ang mismong kanta ay walang hilig sa kanya. What now ?

Tumayo siya mula sa inuupuan at palihim na sinenyasan si Altheya.

“ Sandali lang.”

“saan ang iyong tungo mahal na Prinsesa ?”

“basta, stay put ka lang ‘dyan. Babalik din ako agad.” Naguguluhan man ay napatango na lamang ang dama. Kailangan niyang makaisip ng gagawing pasikat sa bulwagan kung hindi ay magmumukha siyang katawa-tawa sa harap ng mga hari at ni Aljubar.

me and my shining prince (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon