ang diwaning si aryanna

21 0 0
                                    

Freiya woke up lying in a flowery bed. She felt as if she’s been there all her life. She saw no one, not even Aljubar. Weird, kanina lamang ay naririnig niya ito na paulit-ulit na tinatawag siya. Pakiramdam niya ay wala siyang lakas upang bumangon. When she finally made it, she saw a woman standing next to her bed.

“Sino ka?”

“maligayang pagdating sa kaharian ng mga Diwani, Freiya.” Nakangiti nitong bati. The lady is wearing a white gown just like a typical fairy outfit. Napakaganda nito at napakaamo ng mukha.

“ Nasaan ako? Anong ginagawa ko sa lugar na ito? Paano ako nakarating sa kaharian ng mga Diwani, samantalang ang pagkakaalam ko ay malayong paglalakbay ang kailangan bago ito marating?”

“ipalagay mo ang iyong kalooban, tagalupa. Ang iyong espirito ang naglakbay patungo sa aming kaharian sa pamamagitan ng aking kapangyarihan. Ang iyong katawang lupa ay nahihimbing sa Mumbay.”

“kung ganoon, bakit mo ako dinala rito? Anong kailangan mo sa akin?” umiling ito.

“Ikaw ang may kailangan sa akin, tagalupa.”

“Ako?! Bakit ako? Wait lang, sinusundo mo na ba ako para ibalik sa mundo ko?” ngiti lamang ang isinagot nito. No, she’s not yet ready to leave this world. Ni hindi pa nga niya nagagawang magpaalam kay Aljubar. Kasalanan ito ni Ayesha, why must she the one to suffer?

“ Ang bawat nilalang ay mayroong tadhana na nakalaan. Iyon ang sinusundang balanse ng isang mundo. Kapag naiba ang tinatahak nitong landas, mawawala sa balanse ang bawat bagay.”

“ anong ibig mong sabihin?”

“ hindi kasalanan ng Prinsesa ng Luseria kung bakit ka napadpad sa aming mundo, Freiya. Ito ay nangyari dahil sa sarili mong kagustuhan. Sa kaibuturan ng iyong puso ay minithi mo ang buhay na mayroon ang prinsesa. Kaya’t nagawa ni Maimot na makapasok sa iyong mundo upang dalhin doon ang Prinsesa Ayesha.”

“ what?! Are you saying na ako pa ang dapat sisihin sa nangyari sakin?nahihibang ka na ba? Wala akong natatandaan na pinangarap ko na mapadpad sa Minereya. In the first place, hindi ko nga alam na nag-e exist ang mundong ito e.”

“ maaring tama ka. Ngunit ang lahat ng bagay ay magkakarugtong. Kung mayroong sanhi, mayroon din bunga. Ang kapangyarihan ni Maimot na diwatang itim ang nagdala sa iyo sa mundong ito, ngunit iyon ay maisasakatuparan lamang kung ang kaugnay nito ay buong pusong niyakap ang kanyang kapangyarihan.”

“I still don’t get it. You mean to say is the law of Cause and effect ? Pwede ba, ‘wag ka ng magpaligoy-ligoy? Nahihilo ako sa mga pinagsasasabi mo e.”

“ Ang lahat ng simula ay mayroong katapusan. Ang bawat bagay ay mayroong takdang wakas. Habang nagtatagal ka sa aming mundo ay nasasaid ang iyong Enerhiya ng Buhay. Hindi kakayanin ng isang nilalang na nagmula sa ibang daigdig ang manatili sa mundo na hindi siya nabibilang. Gayundin ang Prinsesa ng Luseria na nasa iyong mundo. Unti-unting manghihina ang iyong katawan, sapagkat kalahati ng iyong enerhiya ng buhay ay naiwan sa kabilang daigdig.”

“kaya ba lately, nakakaramdam ako ng panghihina ? Dahil nauubos ang Life force ko. Kaya ba Ibabalik mo na ako sa Mundo ko?”

“Nang mapadpad ka sa aming mundo at dalhin doon ni Maimot ang prinsesa ng Luseria, nawala sa Balanse ang buong Minereya. Nawala sa ayos ang lahat ng bagay kaya’t nanganib na magkaroon ng pagkawasak sa aming mundo. Kung hindi maibabalik sa ayos ang lahat, nanganganib ang iyong buhay maging ang Prinsesa sa kabilang mundo. Kasalukuyang nag-aagaw buhay siya ngayon sapagkat hindi kinaya ng kanyang katawan ang nag-uumapaw na enerhiya ng kabilang mundo. Kailanman, ang dalawang mundo ay hindi maaring maging isa. Mayroong mga bagay na hindi natin maaring yakapin gaano man kasidhi ang ating hangarin.”

“ hindi ko pa rin maintindihan.” Naguguluhang aniya. The lady is now standing in front of her.

“ Freiya. Maaring napamahal ka na sa mga nilalang sa aming mundo, ngunit hindi natin maaring itatwa na nabibilang ka sa ibang daigdig. Ang pagnanais mo na manatili sa mundong ito ay maghahatid lamang sa iyo ng kapahamakan at sakit ng kalooban. Kailangan mo nang lisanin ang Minereya upang maibalik sa tamang kinalalagyan ang lahat ng bagay. Ikaw at si prinsesa Ayesha ay nararapat na magbalik na sa kung saan kayo nararapat.”

“ Ngayon na ba ? hindi ba pwede bukas ? Bigyan mo naman ako ng palugit. Gusto ko munang magpaalam sa mga maiiwan ko sa mundong ito. Sa mga tao sa Palasyo, sa Hari ng Mumbay, sa Hari ng Luseria na kamukha ng papa ko. At higit sa lahat, kay Aljubar. Parang awa mo na. Please ..”

“ sa muling pagliwanag ng buwan ay magbabalik ako upang ikaw ay gabayan sa iyong pagbalik sa iyong mundo. Hindi na dapat pa na magtagal ang pananatili mo sa mundong ito. Kung talagang napamahal na sa iyo ang Minereya, hindi ka na magdadalawang isip na lisanin ito. Hanggang sa muling paglitaw ng buwan lamang ang maibibigay ko sa iyong panahon.”

“ibig sabihin, hanggang bukas ng gabi lang ? salamat, at least makakapagpaalam man lang ako sa kanila.”

“ Sundan mo ang liwanag na iyon.” Anito sabay turo sa pinanggagalingan ng liwanag.

“ dadalhin ka ng daan na iyan pabalik sa iyong kamalayan..” sinundan niya ito ng tingin. Pagkaganda-gandang babae, nakakatakot. Ganoon ba talaga ang mga Diwani, nakakatakot ? Tumango na lamang siya at tumalikod dito upang tahakin ang liwanag.

Muli siyang pumaling paharap dito.

“ Sino ka ? ano ang pangalan mo ?” ngumiti ito ng matamis bago sumagot.

“ tawagin mo na lamang ako sa pangalang  Aryanna. Anak ng Diwaning si Lubi.”

“ ah .. I see. Kaya pala parang powerful ka. Sige, bukas nalang. Tagalan mo ha ?” kumaway siya pagdaka.

“ hanggang sa  muli, tagalupa.”

me and my shining prince (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon